Day 24

13.5K 274 13
                                    

"Hindi na ako natutuwa diyan kay Mr. Clark, ha? Alam naman niyang kailangan mo rin mag-asikaso, pero hindi ka man lang niya magawang bitawan."

Kumunot ang aking noo nang marinig ko sa labas ng kuwarto ang boses na iyon ni Lia. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang dalawa kong kapatid na seryosong nag-uusap sa hindi ko malamang dahilan. Dumiretso si Lia sa veranda habang si Kim naman ay naupo sa gilid na bahagi ng kama ko.

"Ako naman ang nag-insist na tumulong," sagot ni Kim dito.

"Kahit na! Basta! Hindi ako natutuwa!" pagmamatigas ni Lia.

Doon naagaw ang atensyon ko. Ibinaba ko muna ang hawak kong puting kahon sa ibabaw ng kama, bago masuring pinanuod ang pagtatalo nila.

"Tinanong mo ba kung natutuwa rin siya sa'yo?"

Agad na lumipad ang matalim na titig ni Lia sa kay Kim nang sabihin niya iyon. "Tigil-tigilan mo 'ko sa pamimilosopo mo, Kim Rhian, ah?" pagbabanta nito.

"Hay, naku! Eh, ano ba kasing pinuputok ng lalamunan mo?"

"Eh, kasi naman po, wala ka ng time sa amin. 'Di ba, Ash?" lumipat ang tingin niya sa akin.

"Ha?" tanging reaksyon ko nang madamay ako sa pagtatalo nila. "Ano bang pinagtatalunan niyo?" tanong ko.

"Eto kasing isa..." sabay turo ni Lia sa kay Kim. "Lagi na lang kay Mr. Clark! Mr. Clark dito, Mr. Clark doon. Aba! Eh, kulang na lang yata'y magpalit sila ng mukha, eh!"

Huminga ako ng malalim.

So, 'yon pala ang ipinuputok ng lalamunan ni Lia mula pa kanina? Wala ng time si Kim sa amin kaya nag-aamok siya? Ugh! Lia is Lia talaga, huh? May tawag diyan, eh. Selos ba 'yun?

"Ganyan talaga ang trabaho ng isang student assistant, Li," mahinahon kong sabi. "Naiintindihan ko si Kim dahil parehas kami ng trabaho... mas malala nga lang ang sa akin."

Agad na pumalakpak si Kim. "Did you hear that, Sis? Did you hear that?" tila nabuhayan ang tinig niyang iyon. "At saka, bakit ako lang ang tinatalakan mo dito? Si Ash, personal assistant pa 'yan ni Burn-"

"Si Ash, binibitawan ni Burn kapag may kailangan siyang gawin. Eh, ikaw?"

"Pwede ba?" saway ko sa kanila. Agad naman silang tumahimik at tumitig sa akin. Hindi nagtagal ay lumipat ang tingin nila sa puting kahon na nasa ibabaw ng kama.

"Ano yan?" sinundan ko ng tingin ang nginunguso ni Lia.

"Kahon?" sagot ko. Umikot ang mga mata niya at humalakhak naman si Kim sa reaksyon niyang iyon.

"Whatever, Kim!" anito saka lumapit sa akin at marahang binuksan ang puting kahon. "Oh my God! Kanino 'to?" gulat niyang tanong bago binasa ang card na nasa ibabaw ng gown. "Ash?"

"Hey! Lemme see," agad na nagtungo sa puwesto namin si Kim.

"Sa'yo 'to?" muling turo ni Lia sa gown. Hindi nito pinansin ang pagsingit na iyon ni Kim at nanatili ang nagtatakang tingin niya sa akin.

"Uh..." what should I say?

"What the... ang ganda!" Pareho kaming napatingin ni Lia sa kay Kim dahil sa naging reaksyon nito. Kumikinang ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa silver gown na ngayon ay hawak na niya. "Ito na ba 'yung gown? Wow! Ang perfect, ha?" naglipat-lipat ang tingin niya sa amin at sa gown.

"So, 'yan na 'yung galing sa mga Houston?" ani Lia. Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Aba, eh, tara na sa kuwarto natin, Kim. Baka nando'n na rin 'yung mga gown natin!" tila naging excited na ang tinig niya.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon