Day 23

13.8K 318 26
                                    

Hindi pa man ako nakakalabas sa gusaling ito ay ilang beses nang tumunog ang cellphone ko. Naririndi ako sa paulit-ulit na pagkanta ni Barney dahil ito ang ginawang ringtone ng buwisit na Burn na iyon. Huwag ko raw tangkaing palitan dahil 'he's my boss and I should follow his rules' daw. The heck? Kailan pa naging rules ang 'wag magpalit ng ringtone? Malaki talaga ang tama ng isang 'yon!

"Ano na naman ba?" inis kong bulyaw nang sagutin ko ang tawag niya.

Humalakhak lang ito sa kabilang linya. "Ang init naman ng ulo ng baby dragon ko," may panunuyang tinig niya.

Uminit ang pisngi ko sa inis. "Burn, pwede ba?" pagbabanta ko.

"Oh, bakit? Baby dragon lang naman ang binanggit ko, ah?" aniya. Hindi na lang ako umimik dahil hahaba at lalalim lang ang usapang ito kung magsasalita pa ako.

"Ano bang kailangan mo?" iyon na lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Narinig ko naman ang mahinang pagtikhim nito. "Make it fast, okay? I will miss you... you know, I want my baby dragon here... always here,"

Natigilan ako.

Gusto ko sanang isipin na seryoso ito sa kaniyang sinabi, ngunit dahil may kasama na naman itong baby dragon ay uminit na naman ang pisngi ko sa inis. What's with the baby dragon?

Huminga ako ng malalim dahil may parte sa dibdib ko na parang gustong sumabog. "Alright! Just wait, okay? Prepare yourself now 'coz later on... you'll be my slave!" aniko saka pinatay ang tawag.

Hindi ko na ito hinintay pang makapagsalita dahil baka sumabog na ang kanina pang gustong sumabog. Subalit, hindi ko pa man naibabalik sa bulsa ang cellphone na hawak ko ay tumunog na naman ulit ito hudyat na mayroong mensahe. Inis kong binuksan iyon dahil alam ko kung kanino na naman ito galing.

The Poging Master:

I am always be your slave.

Umikot ang mga mata ko sa itinext niya. Ha! He'll always be my slave? Kailan pa nangyari iyon? Eh, wala siyang ibang ginawa kung 'di ang utos dito, utos doon? Tss! Wala talagang matinong sasabihin ang isang 'to!

Isinilid ko na ang cellphone ko sa aking bulsa bago muling naglakad palayo sa gusaling iyon. Buong paglalakad ay halos hindi maipinta ang mukha ko dahil sa inis. Wala talagang magawa ang isang iyon. Gaano ba siya kasaya sa tuwing bubwisitin niya ako?

"Hey, Ash! Galing ka sa U-BIS?" nakasalubong ko si Charlton na tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Huminto ako at huminga ng malalim dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako. Tumawa naman ito sa inasal ko. Sinimangutan ko siya sa pagtawa niyang iyon kaya nag-peace sign ito sa akin.

"I'm sorry..." lumobo ang pisngi niya dahil sa pagpipigil ng kanyang tawa. "Nag-away na naman ba kayo?" tanong niya.

"As usual," tamad kong sagot. "Hindi na yata magbabago ang kaibigan mong 'yon."

Bigla naman itong sumeryoso. "Bakit? Ano na naman bang ginawa niya sa'yo?"

Napatitig ako sa kaniya. Kinagat ko rin ang aking labi dahil baka madulas na naman ako nang hindi oras nito. Hindi ko puwedeng sabihin ang dahilan dahil sobrang nakakahiya. Nakakahiya na sabihing hinalikan ko ang kaibigan niya at hindi ko maalala ang ginawa kong iyon. Nakakainis! Napapikit ako dahil sa inis!

"Alright. Better not to ask, right?" siya na mismo ang bumasag sa katahimikang nabuo. "I'll go ahead... you take care, okay?" aniya at wala sa sariling napatango ako.

"Oo nga pala," agad kong pigil sa kaniya nang may maalala akong tanungin. Huminto ito sa paghakbang at saka muling humarap sa akin. "Nakita mo ba sina Lia?" tanong ko.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon