Day 36

12.9K 211 22
                                    

Madilim pa ang kalangitan nang magising si Ash mula sa mahimbing ngunit kakarampot na oras ng tulog. Matapos makapaghilamos at makapag-toothbrush, isinuot niya ang manipis na kulay puting jacket bago lumabas ng kanilang kuwarto bitbit ang ilang gamit na kakailanganin para sa kaniyang kauna-unahang booth. Hindi niya inabalang gisingin ang kapatid dahil nakitaan niya ito ng pagod kagabi bago matulog mula sa hindi niya malamang dahilan.

Sa ilang araw na lumipas at pagiging abala, madalas niya ring napapansin na maagang umaalis si Lia ngunit late na kung umuwi sa kanilang dorm. Gustuhin man niya ang magtanong dito ay hindi niya magawa dahil wala siyang lakas ng loob na komprontahin muli ang kapatid.

Pabalik-balik siya sa kalawakan ng soccer field at sa dorm upang maisaayos ang mga gamit. At kahit malamig ang hangin dulot ng madaling araw na oras ay husay na tumatagaktak ang pawis ni Ash sa kaniyang noo. Nang makarating muli sa booth ay hinubad na niya ang kaniyang jacket bago inumpisahang isalansan ang pagkakasunud-sunod ng mga dinala niyang gamit doon.

Nag-umpisa na rin siyang maglagay ng dekorasyon sa palibot ng skeleton booth.  Pinagsisihan niyang nagsuot siya ng jogging pants at puting t-shirt sa mga oras na iyon dahil mas lalo siyang nakaramdam ng init habang nakatungtong sa monobloc at itinatali sa magkabilang gilid ang tarpaulin na may nakasulat na 'Cookie Eating Booth.'

"Why you didn't wake me up?"

"Ah!"

Napapikit si Ash nang ma-out balance siya sa kaniyang kinatatayuan. Mabuti na lang, nasalo siya ng lalaking bagong dating na naging dahilan upang hindi siya tuluyang bumagsak sa maiiksing mga damo. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya ang seryoso nitong paninitig sa kaniya.

"A-Anong ginagawa mo rito? M-Maaga pa, ah?" nauutal niyang tanong.

Nang ma-realized ang kanina pa niyang posisyon ay mabilis siyang bumaba mula sa pagkakakarga nito sa kaniya bago inayos ang damit na bahagyang umangat. Mariin niya ring kinagat ang kaniyang labi dahil sa hiya. Hindi pa siya naliligo for Pete's sake!

"Someone's tell me that you are here... at this hour," may diin nitong sinabi.

Naging balisa ang mga mata ni Ash. Nagsabi? Sino naman kaya? Wala naman siyang maalala na may napansin siyang tao sa paligid. Or maybe the roving guards? But why him? Bakit kay Burn ipinaalam na naroon siya sa booth nang ganoong oras?

Oh! Marahil ay nakita ng ilan sa mga roving guards ang pagbabalandra ni Burn sa kaniya bilang girlfriend noong araw na iyon.

"Ms. Ashnette Rouie Costello is now my girlfriend. Stop hitting on her or else, you will suffer under my rules! Understand?"

Halos paulit-ulit na um-echo sa pandinig ni Ash ang anunsyong iyon ng binata. Sa ilang araw na lumipas, hindi rin siya tinantanan ng mga mapanghusgang mga mata at lalong-lalo na ng kaniyang mga kaibigan. Mahihimigan ang pagtatampo sa mga ito, subalit kalaunan ay mas nangibabaw ang pagiging koryoso kung paano nauwi sa pagiging magkasintahan ang dating nagbabangayan.

"Wala ka bang ibang kasama sa booth na ito? How about Belle? Where is she?"

Napabalik sa ulirat si Ash nang muling magsalita si Burn. Ikinurap-kurap niya ang kaniyang mga mata bago binalingan ang kaninang ginagawa saka tumugon sa kanina pa nagtatanong.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon