Day 30

14K 244 32
                                    

A/N:

Hi, Readers!

Gusto ko lang i-share sa inyo na kasama ang istoryang ito sa #WATTYS2018LONGLIST! Maraming salamat sa pagsuporta kahit na pagong akong mag-update. Makakaasa kayo na simula ngayon ay mas mapapadalas ang update ko rito dahil nagkaroon ako ng motivation na ipagpatuloy ito. :)

Keep on supporting this story, guys! Makakarating din tayo sa patutunguhan. 😂

ENJOY READING!


____

Ash point of view.




"Matagal ka pa ba riyan?" naiinip na tanong ng lalakeng kanina pa naghihintay sa akin. Hindi ko magawa ang lingunin siya sapagkat abala ako sa pagsasalin ng mga niluto ko sa tamang lalagyan nito. "I'm hungry," dinig kong reklamo pa niya.

"Of course, Mr. Blevins... lagi ka naman gutom," sagot ko bago inilapag isa-isa sa mesa ang mga pagkaing niluto ko. "May bago ba ro'n?" pang-aasar ko pa.

Tila aso naman siyang inamoy-amoy muna ang mga putahe sa mesa bago tuluyang humarap sa akin. "Yes, I am always hungry. 'Coz I want your full attention on me... full attention, Sweetheart," diretso niyang sinabi sa aking mga mata.

Bahagya akong napaliyad sa aking pagkakaupo habang namimilog ang mga matang nakatitig sa kaniya. Napalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin nang mapagtanto ko ang posisyon naming dalawa. "B-Burn..." nauutal kong tawag sa pangalan niya.

Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi nang umayos ito ng upo sa kaniyang silya. Kinuha niya ang kutsara't tinidor sa gilid ng kaniyang pinggan at tuluyan nang nilantakan ang paborito nitong nilasing na manok.

"This is the best nilasing na manok for me," kumento niya habang ngumunguya nang nakapikit. "Nilalasing ako ng luto mo, Sweetheart. Nilalasing mo ang pagkatao ko," aniya.

Napailing na lang ako habang kumukuha na rin ng pagkain ko. "Dami mong sinasabi, Mr. Blevins. Kumain ka na nga lang diyan," sabi ko at saka sumubo naman ng paborito kong shanghai.

"Nah! What's with the Mr. Blevins, Ash? Too formal, eh? Sweetheart dapat, okay? Su-wit-hart..." Natawa ako nang baybayin nito ang salitang 'sweetheart.' Tingin niya sa akin? Hindi alam ang salitang 'yon? Tss!

"Whatever, Burn. Bakit kasi Sweetheart? Ang corny," sabi ko sabay irap sa kaniya.

Nalukot naman ang kaniyang mukha, subalit agad din ngumisi nang tila may naisip na namang isang kalokohan. "'Coz you're the sweetest thing to my bitter heart?"

Nasamid ako bigla.

Mabilis niya akong dinaluhan upang bigyan ng pamunas sa bibig at saka inabutan ng tubig na iinumin. Pagkainom ko ay agad ko siyang sinapak sa balikat, subalit sa halip na magalit ay tumawa pa ang loko. "W-What?" natatawa niyang sinabi.

"Kainis ka!" singhal ko.

Tatawa-tawa siyang bumalik sa kaniyang puwesto. "W-What? But why?" muli niyang tanong. "Alam mo, Sweerheart, masanay ka nang ganito ako sa'yo. Lalo na ngayong girlfriend na kita, hindi ko hahayaan na matapos ang isang araw na hindi kita napapakilig," aniya sabay pisil sa tungkil ng ilong ko.

Girlfriend! Oh, lume-level up! Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako sanay na may boyfriend na pala akong matatawag. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi ko namamalayan. Pinikot lang yata ako ng isang ito, eh?


"Saan ka pupunta?" tanong ko sa nagmamadaling umalis na lalake.

"Pupuntahan ko lang si Ariz. Nangako kasi ako sa kaniyang tutulungan ko siya sa assignment niya, eh," sagot niya na siyang ikinakunot ng aking noo.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon