Day 19

18.3K 363 28
                                    

Nagising ako sa matinding sikat ng araw na halos sakupin na ang kalahating bahagi ng aming kuwarto. Kinusot ko ang aking mga mata at saka naupo habang humihikab. Ininat-inat ko pa ang aking dalawang braso upang bumalik sa normal ang na-deform kong buto.

Ugh! It's Monday again! Bakit kasi kasunod lang ito ng Sunday? Hmp!

Bumangon ako at inayos ang kobre ng higaan ko. Habang nagpapagpag ng unan ay saka ko lang napansin na wala na pala ang presensya ni Kim sa kama nito.

Malungkot na napaupo muli ako sa aking kama. "Nakaalis na pala siya," mahinang sambit ko sa sarili.

Opening nga pala ngayon ng intramurals kaya siguro maagang umalis ang isang 'yun. Sa pagkakaalam ko kasi'y si Mr. Clark ang punung-abala sa sports ng mga estudyante dito, kaya kung busy iyon ay maaaring maging abala rin si Kim dahil sa pagiging assistant nito ni Mr. Clark.

Idagdag mo pa sa rason ang katotohanan na umiiwas siya sa akin. Simula noong nagkaroon ng alitan sa pagitan namin ni Ash ay naging mailap din sa akin si Kim. Daig ko pa ang walang kasama sa kwartong ito dahil mas madalas siyang wala. Hindi ko naman maisip na maaaring nasa kwarto iyon ni Ash dahil sa pagkakakilala ko sa kanya ay wala itong papanigan sa aming dalawa.

Napabuntong-hininga ako.

Agad na rin akong nag-asikaso ng aking sarili at muling napaisip sa mga binitawang salita ni Kim noong gabing iyon. Pansamantala kong itinigil ang pagbo-blower ng aking bangs at matamang tinitigan ang sarili sa salamin.

'Pride 'yan, Li. Kung hindi mo alam, ako na mismo ang nagsasabi sa'yo.'

Is this really because of my fucking pride? Kung ganoon, paano ko ito malalagpasan? Malalagpasan ko pa nga ba?

Ipinilig ko ang aking ulo at muling nagpatuloy na lang sa pagbo-blower. Hahayaan ko na lang muna siguro ang sakit hanggang sa mawala ito at kusang mga paa ko na ang maglalakad patungo sa tama.

Suot ang intramurals uniform na tinernuhan ng rubber shoes ay lumabas na ako ng dorm at marahang tinahak ang daan patungo sa dome. Mula rito sa kinaroroonan ko ngayon ay tanaw ko ang mga maiingay na estudyante habang iwinawagayway ang kulay itim at puting lobo na sumisimbolo sa paboritong kulay ng eskwelahang ito.

Isn't it weird? Phew!

But then again, maganda sila tignan sa mga mata ko. Ugh! What happened to my innocent eyes? Tss!

"Excuse me! Excuse me!" sabi ko habang pilit na sumisingit sa mga estudyanteng narito. Bakit kasi hindi pa nagsisipasukan 'tong mga 'to? Anong hinihintay nila? Pasko? Leche!

Nakarating ako sa pwesto na hindi masyadong gitgitan ang mga tao. Inayos ko ang nagulo kong bangs saka nanlilisik na tinignan ang paligid na animo'y may paparating na artista dahil mukha silang nag-aabang. Ni-linga-linga ko ang aking ulo upang hanapin ang ilan sa mga kaibigan ko at sa wakas ay natanaw ko rin ang papalapit na sina Karina, Belle at Aikee.

"Grabe! Ang dami nila!" ani Aikee sa tabi ko habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay.

"What would you expect, Kee? Yearly naman laging ganito," sabi naman ni Karina.

Napatingin ako sa kanila dahil sa pagtataka. "Yearly?"

"Ow!" untag ni Aikee sabay tingin sa kanan at kaliwa, maging sa likuran ko. "Nasaan sila Ash?" Tanong niya at agad naman akong umiwas ng tingin.

"A-Ah... E-Eh... Hindi ko pa nakikita, eh!" pagsisinungaling ko.

"Naku, sayang! Hindi nila masasaksihan ang nakagawian dito taun-taon," may panghihinayang sa tono ng pananalita ni Karina kaya nabaling sa kanya ang aking paningin.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon