Day 21

17.6K 270 23
                                    

Lahat ay masayang nagtungo sa cafeteria nang in-anunsyo ni Ms. Dimakatarungan na treat niya ang lunch namin ngayon. Iyon ay dahil nanalo ang senior level sa science competition na kung saan kaming dalawa ni Janella ang representative ng U4-A. Ayon kasi sa iba naming ka-miyembro, ngayon lamang daw nasungkit ng seniors ang unang parangal simula nang pumasok sila dito. Wala tuloy paglagyan ang tuwa ko, iba pa rin kasi talaga ang feeling kapag parte ka ng parangal na ito, eh.

"For the very first time, akalain mong may pagka-generous din pala si Ms. Dimakatarungan?" anang Diane habang papaupo ang lahat sa bilog na glass table.

"Korek ka diyan, Diane. Nagulat din ako nang sabihin niya iyon kanina. Sa isip-isip ko, end of the world na ba mamaya at huling kain na natin 'to?" natatawang sagot ni Emily.

Habang nagpapalitan ng kumento ang mga ka-miyembro ko ay tinawag naman ni Liza ang isang staff ng cafeteria upang makapag-order kami ng pagkain. Lumapit ang staff at saka kami inabutan ng tig-iisang menu.

"Akala ko habang buhay na siyang magsusungit, eh. May kabaitan din pala," dagdag muli ni Diane at nagtawanan ang lahat dahil sa tinuran niyang iyon. "Okay na po," sabi niya sa staff.

Pagkatapos naming um-order ay ibinalik na namin sa staff ang menu at saka ito bumalik sa loob ng counter.

"Ano ba naman kayo, tigilan niyo na nga yan. Magpasalamat na lang tayo, noh!" ani Liza na siyang pumutol sa tawanang nabuo.

Tumahimik ang lahat at itinuon na lamang ang atensyon sa mga in-order naming isa-isa na ngayong inilalapag ng staff. Halos lumuwa naman ang mga mata ko nang mailapag na ng staff ang lahat ng pagkain, hindi ko kasi akalain na ganito karami ang in-order ni Xander. Mukhang sinamantala niya yata ang pagiging generous ni Ms. Dimakatarungan ngayon, ah? Bad!

"Grabe ka, Xander. Tao ka pa ba?" gulat na sambit ni Diane. Hindi lang din pala ako ang nakapansin, mukhang lahat yata kami ay nagulat.

Matabang na ngiti ang pinakawalan ni Xander bago napakamot sa batok nito. "A-Ah... E-Eh... K-Kasi gutom ako, eh!" sagot niya.

Ilang segundo pa munang natahimik ang lahat bago iiling-iling na tinawanan ang sagot nito. Hindi na rin ako nagpigil pa ng tawa dahil halata sa mukha niya ang gutom, namumutla na kasi ito.

"Kumain na nga lang tayo," sabi ko sa kanila at saka nag-umpisang sumubo ng spaghetti.

Hindi pa man ako nakakatatlong subo ay muli na namang binasag ni Diane ang katahimikan. "Nasaan nga pala si Janella? Bakit hindi siya sumama sa atin dito?" tanong niya.

At sa tanong niyang iyon ay saka ko lamang napagtanto na wala nga sa mesang ito si Janella at hindi namin siya kasama mula pa kanina. Sa pagtataka ay itinigil ko na muna ang pagsubo ko at saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng cafeteria upang hanapin si Janella, maging ang mga kasama ko ay ganoon din ang ginawa.

"Matagal ko nang napapansin na mailap sa atin si Janella, ano bang nangyayari sa kaniya?" ani Emily.

Napatingin ako sa kaniya at hindi ko inaasahan na sa akin din pala ito nakatingin. Aba! Bakit? Kasalanan ko ba?

"Oo nga, eh. Kahit ako ay napansin ko rin iyon simula no'ng pumasok si Lia sa club natin. Hindi kaya..." at dahil sa sinabing iyon ni Diane ay nakatingin na ang lahat sa akin.

Nanlalaki ang mga matang humalukipkip ako at saka uminom ng tubig. What's with that expression? Para naman nila sinabing kasalanan ko nga? Pero bakit, aber? Tasakan ko kaya ng tinidor ang mga mata nila?

"'Yan na naman kayo, eh. Tigilan niyo na nga sina Lia at Janella," saway ni Liza sa kanila. Mabuti na lang talaga nandito siya, dahil kung hindi ay baka sumisigaw na sa sakit ang mga bruhang ito. Tss! "Wala dito si Janella dahil inaasikaso niya ang mga test papers natin para sa darating na exam. You know, president's duty." Dagdag pa niya.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon