Day 9

20.1K 403 35
                                    

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko tungkol sa eskwelahang ito. First, bullying is allowed. Second, about the oh-so-scary-gang and their leader named Burn. And the least but not the last, hindi ka pwedeng lumabas hangga't hindi ka nakaka-graduate. See? That is unbelievable!



Kung iisipin mabuti, sa una pa lang kakaiba na talaga ang university na ito. Allowed ang bullying? Saan ka nakakita no'n? Saan ka nakarinig no'n? Oo, sabihin na natin na hindi nawawalan niyan sa lahat ng paaralan, o kahit nga sa hindi paaralan ay may nambu-bully. Pero ang ipatupad mo iyan sa sarili mong paaralan, matino ka pa ba? Bakit mo naisip ang ganoong patakaran? Bakit?



Sumunod ay ang hindi pagpapalabas ng mga estudyante hangga't hindi ka nakaka-graduate. Sa totoo lang, saan kaya nila napulot ang ganoong ideya? May galit ba sila sa mga magulang nila noon? Sanay sila na malayo sa isa't isa kaya ganito ang naisip nilang patakaran? Bakit ulit? Bakit?



Pero gaya nga ng sinabi nina Karina, isang ordinaryong eskwelahan pa rin ito para sa kanila na kung saan binibigyan nila ng pag-asa ang mga estudyanteng gusto pang makapagtapos kahit na balasubas ang iba. Binibigyan nila ng pagkakataon ang mga estudyante dito na magbago. Magbago kaya saan? Sa nakikita at napapansin ko'y parang mas lalo silang lumalala. Lalo silang yumayabang dahil alam nilang walang pipigil sa kanila dito.



Kahit sabihin nila na ordinaryong paaralan pa rin ito, may parte pa rin sa isip ko na may kakaiba rito. May hindi tama. Kung ano man 'yun, malalaman ko rin.



Kaya lang sa kabilang banda, naisip ko rin na maaaring tama rin sila. Kung hindi na sila tinatanggap sa iba, dito pwede pa. Kung napagbintangan lang sila sa kasalanang hindi nila ginawa, dito may pag-asa ka pa. Sabi nga ni Manong Roy noong bago palang kami dito, hindi lahat masama pero karamihan. Hindi lahat dito ay sinadyang gumawa ng gulo, 'yung iba ay nasabit lang at may iba naman na napagbintangan lang. Isn't it fair?



Kung iyon ang iisipin ko ay pwedeng maging thankful nga kami sa eskwelahang ito. Dahil gaya ng iba, hindi namin ginusto ang gulo. Pinaglaban lang namin noon ang tama, subalit hindi sa amin pumanig ang tadhana.



Kailangan lang siguro namin tanggapin ang idineklarang patakaran sa loob ng eskwelahang ito. Wala na kaming magagawa roon kundi ang makisabay sa agos ng mga nangyayari dito, masama man o mabuti. Ganoon na lang siguro? Tama! Gano'n na nga lang!



Hindi ko lang kasi talaga masikmura ang makakita ng mga inaaping inosente. Sa halos dalawang linggo ko rito ay wala akong magawa kundi ang pumikit na lang sa tuwing makakakita ako ng binubully. Sinabi kasi sa akin ni Lia na 'wag raw akong mangielam. Unahin ko naman daw ang sarili ko dahil hindi pa ako nakaka-survived sa pagbabanta sa akin ng bwisit na Burn na iyon. Baka raw sa susunod ay palutang-lutang na ang katawan ko sa isa sa mga ilog ng Nueva Ecija dahil sa dami ng may gustong mawala ako sa university na 'to. Nakakaloka! Naisip agad 'yon ni Lia? Tss! Kahit kailan ay exaggerated talaga mag-isip ang isang 'yon. Magsama sila ni Janella!



And speaking of oh-so-scary-gang-leader-named-Burn, hindi ko alam kung anong ugali meron ang isang 'yon. Napaka-bipolar, eh? Masungit, nakakatakot, minsan ngumingiti pero mas madalas nakangisi. Darn! Hindi ko maintindihan ang hulog niya. And in all fairness, huh? Simula no'ng nangyari noong lunes, hindi pa iyon nasundan hanggang ngayon na sumapit ang biyernes. Hindi ko tuloy alam kung kailan ang day two? Meron pa ba? Oh, God! Sana naman wala na! Sana mapagod na siya. Nakita na niya akong takot sa kanya, right? Is it not enough? Kahit labag sa kalooban ko 'yon ay wala akong nagawa dahil iyon talaga ang naramdaman ko that time. Such a dumb freaking, Ash!



Idagdag mo pa sa pag-iisip ko ang mga salitang binitawan niya no'n? Until now, I don't get it! Bakit niya sinabi sa akin 'yon? Kilala na ba niya ako? Kilala ko na ba siya para ganoon na lang niya kadaling sabihin na just be with me, Ash? Malabo, eh! Malabo pa sa plastic labo. Tsk!

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon