Day 27

16.7K 244 36
                                    

Kim's point of view.






Step in Curry:
Where are you?

Me:
Cafeteria. Why?

Step in Curry:
Uh... with your sisters?

Me:
And friends. Why?

Steph in Curry:
Nothing.


Napasinghap ako sa huling nabasa ko mula sa aking ka-text. Hindi ko alam kung bakit nagtatanong siya ng ganoon kaya mas minabuti ko na lang na isilid ang cellphone ko sa aking bulsa at ituon ang atensyon sa nagkakantyawan kong mga kasama. Anila'y paano raw nakapasok si Lia sa rank eight, gayong hindi naman naaangkop ang IQ nito doon? That is too offending for me, pero dahil biruan lamang ay hindi iyon binigyan ng pansin nang dalawa kong kapatid. Ginagatungan pa nga ni Ash ang pang-aasar nina Aikee at Karina sa kay Lia, eh. Kaya sa halip na mainis ako sa sinabi ng dalawa ay natatawa na lang din ako sa nagiging reaksyon ni Lia, lalung-lalo na kapag si Ash ang dumurugtong ng mga iyon. Kung may mga gamit lang siguro akong dala ay baka nai-drawing ko na ang maasim na mukha ni Lia sa mga oras na ito.

"Shut up, Ash! Sinayang mo ang mga maleta na 'to," ani Lia nang punahin ni Ash ang malalaki niyang maleta sa mata. Humagalpak kami ng tawa dahil do'n at maging si Belle na nagmamasid lang kanina ay tumawa rin.

"Hindi ko kinaya ang maleta thingy," kumento ni Belle habang tumatawa nang nakahawak sa tiyan.

"Benta natin sa mga mag-o-ofw. Buy one, get one-"

"Benta ko organs mo, gusto mo?"

Halos mamatay ako sa katatawa dahil sa sinabing iyon ni Lia sa kay Aikee. Ngayon ay si Aikee naman ang halos paulanan namin ng kantiyaw dahil sa naging itsura nito, namumula ang kaniyang buong mukha habang nanlalaki ang mga mata na animo'y natakot sa sinabing iyon ng kapatid ko.

"You sucks..." untag ni Aikee saka binato si Lia ng tissue.

"Ano'ng feeling?" balik tanong ni Lia bago muling humalakhak.

Habang nag-aasaran naman ang mga bruha ay hindi nagpahuli sa paningin ko ang nakamamatay na tawa ni Ash. Iyong tawa na halos mamatay na siya sa sobrang hagalpak pero walang tunog? Ganoon siya kung tumawa. Kaya kung titignan mo ito sa ganoong posisyon at pagkakataon ay siguradong mahahawa ka at maaawa. Tipong mapapatanong ka na lang kung, 'ano buhay ka pa ba?' parang wala na kasing hangin na lumalabas sa bibig niya, eh. Damn that laugh! Naalala ko tuloy noong nasa unang baitang kami ng high school sa subject ng terror teacher namin sa science, may ikinuwento si Ash na nakakatawa at dahil nga sa nakakatawa ay napahagalpak kami ni Lia ng tawa. Humagalpak din si Ash, ngunit walang tunog ang kaniyang pagtawa kaya ang ending ay kami ni Lia ang narinig at pinalabas ng silid. Pinaharap kami sa ding-ding hanggang sa matapos ang buong klase ng terror teacher namin. Badtrip, 'di ba? Siya na nga itong nagpasimuno ng kalokohan, siya pa itong nakaligtas. Tss! Natatawa na lang din ako kapag naaalala ko ang kalokohang iyon.

"Huy! Hinga ka naman," ani Lia sabay siko sa kaniyang katabi.

Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Ash nang mapansin nito na lahat kami ay nakatingin na sa kaniya. Inisa-isa niya muna kaming tinignan bago ngumiwi at saka sumandal sa kaniyang upuan. "Tigil-tigilan niyo 'ko, ah?" nagbabanta na niyang tinig. Naramdaman niya siguro na sa mga oras na ito ay siya naman ang aming kakantiyawan.

"What? Wala pa nga kaming ginagawa, eh!" natatawang sambit ni Aikee.

"Para kasing hindi ka worried sa pagiging rank twenty-three mo, eh. Sikreto?" nakapangalumbaba si Karina habang sinasabi niya iyon sa kapatid ko.

"Eh, pa'no mag-aalala, Kar? Bukod sa may kapatid na siyang nasa rank eight, may boyfriend pa siyang hindi nawawala sa rank one. She's so lucky... kaibigan ko 'yan!" masiglang sambit ni Aikee sa harap ni Karina.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon