Day 18

19.5K 340 24
                                    

Lia's point of view.





"Lia! May mga libro pa na naiwan sa table Z." mahinang sambit sa akin ni Janella habang nagliligpit ako ng mga libro sa table M.



"O, sige." Sagot ko saka siya tinalikuran patungo sa naturang table.



May iilan-ilan akong nakitang libro doon at naniningkit ang mga mata kong kinuha iyon isa-isa. Parang mga bata naman kasi ang mga gumamit nito. Matapos basahin ay basta na lang iniwan nang nakabukas at 'yung iba naman ay nasa upuan pa. Sinong matutuwa dito? Kahit sa bahay nila gawin 'to ay maiinis ang nanay nila sa pagiging burara nila, eh. Hindi naman kasi porke may taga-ligpit ay puwede na silang magkalat. Hindi porke may taga-linis ay puwede na silang magdumi. At hindi rin porke may nag-aayos ay puwede na silang manggulo. Haler! May ipinaglalaban ba 'ko dito? Wala, noh! Tss!



"It's already lunch, Lia. Hindi ka pa ba kakain?" Napalingon ako kay Mrs. Yu nang lumapit ito sa akin.



Itinigil ko muna ang paglalagay ng mga libro sa shelf nito bago sinilip ang wrist watch ko. Nakita kong alas-dose na pala nang tanghali kaya pala kanina pa kumakalam ang matakaw kong tiyan. Gano'n ako ka-busy para hindi iyon mapansin? O, sadyang ganoon lang karami ang burara sa expensive school na ito, kaya hindi ko namalayan ang oras sa dami nang ibinabalik kong libro? Tsk! Whatever it is... bakit napaka-likramador ko? Ugh!



Humarap ako kay Mrs. Yu bago ito nginitian. "Tatapusin ko lang po muna ito, Ma'am. Susunuod na rin po ako," sagot ko sa kanya.



Gumanti rin ito ng ngiti pabalik sa akin. "O, sige. 'Wag kang magpapagutom, Hija. Hindi naman aalis ang trabaho diyan." Paalala niya at tumango naman ako.



"Sige po, Ma'am." Nakangiti kong sagot at saka lang ito lumabas ng library.



Ibinalik ko ang atensyon ko sa pag-aayos ng libro hanggang sa inabot ako ng alas-dose y medya. Kung bakit ba naman kasi hindi man lang ako naambunan ng height, ano? Gumamit pa tuloy ako ng ladder para lang maibalik ko ang mga libro sa matataas na bahagi ng shelf. Tsk! Nakapayong siguro ako no'ng panahon na nagpaulan ang diyos ng height. Kaya kahit two inches ay walang nadagdag sa five flat kong tangkad. Tsk!



Bumaba na ako sa ladder bago ito binuhat patungong stock room. Dinukot ko ang pitaka sa aking bulsa at saka ko lamang napag-desisyunan kung saan ako kakain. At 'yun ay walang iba kundi sa canteen. Isang daan na lang kasi ang laman ng wallet ko, tig-bente pa. Kaya talagang hindi ito puwede sa cafeteria.



Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa loob ng canteen. Hindi na gaanong matao dahil siguro mag-a-ala-una na nang hapon at ang karamihan ay nakakain na. O, marahil ay nasa cafeteria sila at doon napagpasyahang mananghalian ng iba? Kahit saan man sila kumain sa dalawang 'yan, ang mahalaga sa akin ngayon ay makakakain ako ng matiwasay... ng mag-isa.



Shit!



Heto na naman ang tanong na pilit kong iniiwasan pero kusang pumapasok sa isip ko. Kumusta na kaya siya? Hanggang ngayon ay hindi ko pa iyan nasasagot. Ilang araw na rin ang lumipas simula noong huli ko siyang binisita. Hindi na naulit iyon at tanging si Kim na lang ang pumupunta doon. Lagi nga akong tinatanong ni Kim kung sasama daw ba ako sa kanyang pumunta sa U-BIS pero hindi ko magawang sumagot. Hindi ko magawang um-oo dahil hindi ko kayang makita si Ash. Hindi ko kayang makita ang kalagayan niya ngayon nang dahil sa hindi niya pagtupad sa ipinangako niya sa amin at lalung-lalo na sa akin. Masakit pa rin sa loob ko na pinaglihiman niya ako. Minsan nga naitanong ko sa sarili ko, ano ba kami sa kaniya?



Hays. Mababaw man kung iisipin pero nasaktan ako. Literal na nasaktan ang damdamin ko dahil sa nalaman ko. Aaminin ko na sa tuwing niyayaya ako ni Kim ay nangangati ang mga paa kong sumunod sa kaniya. Subalit, mga paa ko rin ang bigla na lang humihinto at lilihis patungo sa ibang direksyon. Hanggang sa sumapit ang araw na ito ay hindi ko pa rin siya nakikita. Hindi ko pa siya kayang makita.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon