Day 4

25.8K 455 46
                                    

"What took you so long?" bungad sa akin ni Lia nang makabalik ako sa classroom.



As usual, parang naka-glue na naman ang mata ng mga kaklase ko sa akin. Kahit busy sila sa mga kanya-kanya nilang ingay ay nabigyan pa rin nila ako ng pansin na titigan nang pumasok ako dito sa loob. Nginisian at inirapan naman ako ni Sofia nang magtama ang aming paningin habang nagku-kwentuhan sila ng mga alipores niya. Naupo na lang ako sa gitna ni Kim at Lia saka pumikit at sumandal na para bang nasa bahay lang. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako ngayong araw kahit na hindi pa naman natatapos ang buong maghapon. Should I hate this day? Nakakapanlumo.



"Mabuti na lang nauna ka sa prof natin. Mag-a-attendance lang daw siya mamaya," muling sambit ni Lia. "San ka ba galing? Bakit ang tagal mo?" ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng tanong niya. Subalit, parang wala akong lakas sagutin ang mga ito. Nanatili lang akong nakapikit. "Usap-usapan ka dito kanina, Ash. Sino si Charlton?" napamulat ako sa sinabi niya. "Ikaw, ah, 'di mo sinabi sa'min na may sumalo pala sa'yo kanina." Bigla siyang kinilig na parang ewan. "Gwapo ba?" utas niya.



Pinaningkitan ko siya ng mata. So, kaya pala gano'n na lang kalagkit ang mga titig nila sa akin?



"Oo nga! Bakit hindi mo sinabi? Doon daw 'yun, eh, no'ng muntikan ka nang madulas pero hindi natuloy kasi nasalo ka daw nu'ng Charlton," dagdag naman ni Kim.



Nakapangalumbaba sila ngayon habang naghihintay ng isasagot ko. Napailing na lang ako at muling pumikit. Wala akong balak sagutin ang mga tanong nila dahil una sa lahat ay hindi naman ito gwapo, medyo lang.



"Ang daya mo naman, Ash. Kwento naman d'yan," kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakabusangot ang mukha ng dalawa.



Ngumiti ako kahit nakapikit. Pagbibigyan ko na ang dalawang 'to. Paniguradong magdi-day dream na naman sila lalo na't wala pa naman ang next prof namin.



"Gwapo. Okay? Payat nga lang kaya 'di ko type." Sagot ko.



Dinig ko ang hiyaw ng dalawa. Wow! Matindi mag-imagine ang dalawang 'to, ah? Ni-hindi pa nga nila nakikita parang sobrang gwapo na sa isip nila. Gwapo lang naman, hindi sobrang gwapo, noh!



"Sus! Makapagsalita ka naman d'yan. Bakit? Tinanong mo na ba siya kung type ka rin niya? Assuming, teh!" ani Kim.



"Kelan ba nagka-type sa lalake 'yan? Wala naman ibang type 'yan kundi 'yung type O niyang dugo." Dagdag ni Lia. Nagtawanan ang dalawa at nag-high five pa.



Nagmulat ako ng mata at umayos sa pagkakaupo. Parehas ko silang tiningnan dahil pinagkakaisahan nila ako. Lakas makapagsalita ng dalawang 'to, akala mo naman may mga lovelife. Tse!



"Pwede ba tantanan niyo 'ko? Pare-parehas lang tayong walang lovelife dito. At saka, nasa tamang panahon ang ganyan, noh!" Iritable kong tugon sa dalawa.



"Wow! Tamang panahon ni Aling Ash?" Ani Lia at nagtawanan na naman sila. "Atleast kami may crush, eh ikaw?"



"Ah! Crush ba?" tumango-tango ako saka bumaling ng tingin kay Kim. "'Yung crush mo na binigyan mo ng sulat pero pinunit niya mismo sa harapan mo?" nakangisi kong sabi sa kanya at nag-iba ang kanyang itsura.



Now, it's my turn.



"Crush mong inabutan mo ng cake pero pinakain niya lang sa aso?" Dugtong ni Kim.



"At ito pa... crush mo na nagkaroon ng girlfriend kaya halos hindi ka lumabas sa kwarto ng dalawang araw?" panunuya ko.



"At paglabas niya, daig pa niya 'yung zombies sa train to busan?" dagdag ulit ni Kim.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon