Day 6

28.2K 439 47
                                    

Nanatili akong nasa ganitong posisyon, tutop ang aking bibig habang nanlalaki ang mga mata. Sina Lia at Kim ay kanina pa tanong ng tanong kung ano ang nangyari sa akin ngunit hindi ko sila magawang sagutin. Ni-isang letra ay walang lumalabas sa aking bibig. Tanging mabigat na paghinga lang ang aking nagagawa sa mga oras na ito dahil naninikip ang aking dibdib.



Ang lalakeng 'yon, siya si Burn. Hindi ako maaaring magkamali. Malakas ang kutob ko. Base rin sa mga inasal at sinabi niya ay nagtutugma ang lahat. 'Una si Sofia. Pangalawa si Burn. Sino ang sunod, Ash? Gusto mo na bang mamatay?' Siya ang tinutukoy ni Janella na nakabangga ko, na gagawing impyerno ang buhay ko. Totoo kaya ang sinasabi niya? Ano naman kaya ang naghihintay sa akin sa kamay ng Burn na iyon? Sinipa ko lang naman siya sa balls, ah?



"Siya si Burn," mahina kong sambit.



"Ha? Sino?" kunot-noong tanong ni Kim dahil sa pagtataka.



Bigla naman namilog ang mga mata ni Lia nang mapagtanto ang sinabi ko. "'Yung lalakeng bumulong sa'yo kanina?" Tanong niya at tumango ako. Sa gulat ay napatakip rin ito ng bibig.



"S-Siya 'yung nasa bull-siya rin ang may gawa nito? Ibig sabihin, siya ang tinutukoy na leader ng B.S.I?" Tinanguan ko rin si Kim dahil naalala na niya kung sino ang Burn na tinutukoy ko. "Geez! Ash, you're dead... double dead!"



"Ano'ng gagawin natin ngayon? Mukhang seryoso siya sa mga sinabi niya. Tignan mo 'to..." Ipinakita muli ni Lia ang card na hawak niya. "Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganito na lamang siya ka-disperadong pahirapan ka?"



"Truth, Li. Samantalang ngayon pa lang naman natin siya nakita, ah?"



Hindi ako makasagot. Sasabihin ko na ba sa kanila ang totoong nangyari? Siguro nga kailangan na nilang malaman.



"Nagkita na kami, hindi magandang pagkikita." Sabi ko.



"ANO?!"



Napangiwi ako sa gulat nilang iyon. Kailangan sabay pa talaga? Binibigyan nila ako ng hard time sa pagpapaliwanag, ha? Ni-hindi ko na nga alam kung sa paanong paraan uumpisahan ang pagpapaliwanag tapos sinimulan agad nila nang ganitong reaksyon. Tss!



"Saan? Paano? Kailan? Bakit ngayon mo lang sinabi? Anong nangyari?" Sunud-sunod na tanong ni Lia. Hindi agad ako nakasagot. Alin ba sa mga tanong niya ang uunahin kong sagutin? "Ano? Sagot!" Napapitlag ako sa sigaw niyang iyon. Geez!



"A-Ano... k-kasi... ganito..." napapikit ako ng mariin. Shocks! Hindi ko masabi. Paano ko ba uumpisahan?



Marahan na naglakad ang dalawa papalapit sa akin kaya ako naman ay umaatras. Napasandal na ako sa pader kakaatras dahilan para ma-corner nila ako. Desidido talaga silang malaman. Ugh! Daig ko pa tuloy ang na-hot seat ngayon at isasalang sa lie detector test. Wew!



"H-H'wag nga kayong ganyan. Tigilan niyo 'to, please lang!" Nabubulol pa ako sa pagsasalita. Hindi dahil sa natatakot ako sa kanila, kundi dahil alam kong hindi nila ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi ang nangyari.



"Paanong tigilan, Ash?" tumaas ang kilay ni Lia saka pinagkrus ang dalawang braso. "Nagsinungaling ka sa amin," aniya. Tumango-tango naman si Kim sa sinabing iyon ni Lia.



"Hindi ako nagsisinungaling, ah!" depensa ko.



"Pero naglihim ka..." Ani Kim.



"Magkaiba 'yon-"



"Hush!" Pinutol ni Lia ang sasabihin ko. "Kahit na! Hindi mo pa rin sinabi sa amin. Akala ko ba walang sikreto?"



"Li, wala akong sikreto. H-Hindi ko lang nasabi kasi..." hindi ako makatingin sa dalawa. Kung saan-saan ako tumitingin para makahanap ng sagot nang bigla namang umilaw ang bombilya sa ulo ko. "Kasi nakalimutan ko. You know, dahil sa dami ng nangyari sa atin last week." Malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanila. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik at nakahinga ng maluwag. Hoo!

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon