Day 31

17.2K 217 26
                                    

FACEBOOK: Mirassou Mirassou
HASHTAG: #BURNtheSWEETEST

___________

Mula rito sa kinauupuan ko ay nahuhuli ko si Burn na maya't maya ang sulyap sa akin habang seryoso silang nag-uusap ni Charlton sa kabilang dulo ng hallway. Kami naman ni Lia ay nanatili na lang muna rito sa mahabang upuan dahil mahimbing na natutulog si Kim sa mga hita namin; ang ulo nito ay nakapatong sa hita ni Lia habang ang mga paa naman niya'y nakapatong sa mga hita ko.

Pinagmasdan ko ang maamong mukha ng kapatid ko, mababakas rito ang pagod at hirap na dinanas niya sa buong maghapon dahil sa mga nangyari. Nakakalungkot isipin na wala kami sa tabi niya noong mga oras na iyon at mag-isa niyang sinalo ang hirap na ito. Nagtatalo tuloy kami ni Lia kung babalik pa ba kami sa school o mananatili kami sa tabi nina Lolopa at Kim. Kung ako naman kasi ang tatanungin ay mas nanaisin kong aksiyonan ang mga problemang ito na kasama sila, pero siya kasi ay hindi ganoon. Gusto niyang bumalik kami sa Unknown Univeristy at ipagpatuloy ang pag-aaral namin do'n. Hindi ko talaga maintindihan, eh! Sa ganitong sitwasyon ba'y mas matimbang pa rin ang pag-aaral kaysa sa sarili niyang pamilya?

"Ash, konting panahon na lang naman. Hintayin nating magising si Kim, for sure ay papanig sa 'kin ang isang 'to," pagpupumilit ni Lia sa mahinang tinig.

"Sigurado ngang papanig 'yan sa 'yo. Ang akin lang naman, sana ay ikaw na mismo ang mag-insist. Syempre, mahihiya si Kim sa atin. Baka isipin pa nga niyan na nakakaabala siya sa atin, e! Pagkukusa lang ang gusto kong iparating sa 'yo, Li. Pagkukusa," mariin kong tugon.

"Look, Ash... 'wag mong isipin na binabalewala ko ang mga nangyayari. Ang sa akin lang din, 'wag tayong pabigla-bigla ng desisyon," aniya.

Napatitig na lang ako sa kaniyang mga mata. Kahit ano'ng pagpapaliwanag siguro ang gawin ko ay hindi niya maiintindihan dahil tila sarado ang ilang parte ng kaniyang isip. Alin ba sa mga sinabi kong iyon ang pabigla-bigla? Tsk!

"Ash, please..." Nagsusumamo na ang kaniyang tinig. Hindi na lang ako umimik at ibinaling ko na lang ang aking paningin sa dalawang lalake na papalapit ngayon sa amin.

"Sweetheart, we need to go back now," ani Burn nang tuluyan na itong makalapit sa akin. Nanlaki ang aking mga mata kasabay nang pag-init ng aking pisngi dahil sa katagang iyon. Narinig ko pa ang bahagyang pagpipigil ng tawa nina Charlton at Lia dahilan upang mas lalo akong makaramdam ng hiya.

Kainis itong si Burn. Hindi marunong lumugar, eh? Nakakahiya tuloy!

"B-Burn, p-pwede ba!" nauutal kong sambit. At dahil do'n ay tuluyan nang humagalpak ng tawa ang kanina'y nagpipigil lamang. Sinamaan ko muna ng tingin si Lia bago dumapo ang paningin ko sa nagigising na si Kim.

"Alam na niya?" Lumipat ang paningin ko kay Burn.

"Yeah..." tipid na sagot naman nito at saka nag-iwas ng tingin.

"You know what, Ash... sa lahat ng sikreto ni Burn, 'yong tungkol sa inyo ang hindi niya kayang itago," pagsingit ni Charlton dahilan upang bumaling ako sa kaniyang direksyon.

"Totoo ba?" Napatingin si Lia kay Charlton bago inilipat kay Burn. "'Wag mong sasaktan ang kapatid ko, Burn, ha? Kapag ito umiyak nang dahil sa 'yo, ipapakain talaga kita sa aso."

"Oh! Scary..." Umakto si Charlton na animo'y natatakot kaya sinamaan siya ng tingin ni Lia.

"Kayo na?" tanong naman Kim habang inaayos ang kaniyang pagkakaupo sa tabi ko. "Grats, Burn. Sa wakas, nagkatuluyan din ang ship ko," aniya sabay kindat sa akin.

Nag-iwas naman ako ng tingin.

"Yeah... hindi biro ang pinagdaanan ko sa kapatid niyo, ha? Kailangan ko pa palang pagselosin ang isang 'to para umamin," nakangiting tugon ni Burn.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon