Chapter 1: L

107K 2.6K 558
                                    

Author's Note: The posted versions of the books in this series are still raw and not as edited as the published ones

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's Note: The posted versions of the books in this series are still raw and not as edited as the published ones. Every book I finish, I'm aware that I still have a lot of room for improvement. I try to correct them as much as I can, and I do my best to do better in the next book.

Thank you for your patience, and I hope you enjoy the book.

CHAPTER 1

LUCIENNE'S POV

Sandaling napatigil ako at nag-angat ng tingin mula sa dalawang cup noodles na pinaghahambing ko kanina nang maramdaman ko na parang may nakatingin sa akin. Napakunot-noo ako nang mamataan ko ang isang empleyadong lalaki ng maliit na convenience store na kinaroroonan ko na kaagad nagtago nang tumingin ako sa direksyon niya.

Napabuntong-hininga ako. Paniguradong pinababantayan ako sa kaniya. Sa isang tingin siguro talaga ay mukha akong kahina-hinala dahil sa suot kong pink pajama bottoms at malaking hoodie na halos kainin na ang maliit na bulto ko. Nakataas pa ang hood niyon para matakpan ko ang wala pang suklay na buhok ko. Paniguradong mukha akong pulubi.

Sa nagugutom ako eh. Gusto ko lang namang bumili ng cup noodles. Kung sabagay lagi na lang ganito ang nangyayari sa akin. Kahit pa na ang tagal ko ng nakatira dito sa subdivision bihira naman ako matandaan ng mga tao. Una dahil sa hindi naman talaga ako friendly. Mas gusto kong magkulong sa bahay ko. Pangalawa sa gabi lang ako kalimitang lumalabas. Iyon ay sa mga pagkakataon lang na kumakalam na ang sikmura ko at naghahanap ng makakain katulad ngayon.

Minsan naman lumalabas din ako para bumayahe lang papunta sa paborito kong coffee shop na malayo sa tinitirhan ko, kahit marami namang coffee shop dito, at doon ako tumatambay. Bukas kasi iyon hanggang alas dos ng madaling-araw. Masyado kasing madaming kabataan ang tumatambay sa mga coffee shop malapit dito sa subdivision kaya iniiwasan ko na magpunta ro'n. Nawawala ang konsentrasyon ko. Isa pa paminsan-minsan lang din naman 'yon dahil bihira akong magkaroon ng energy na lumayo pa.

Muli akong napapabuntong-hininga sa naisip at nagpasya na lang ako na dalin ang dalawang cup noodles at tumuloy na sa counter. Hinablot ko ang nadaanan kong chips at kumuha ako ng dalawa niyon bago tuluyang magbayad. I hate rushing. I have the right to choose at my own pace of time like everyone else, right?

Mukhang nakahinga naman ng maluwag ang dalawang empleyado at kaagad akong hinarap ng babaeng cashier para i-punch in ang bilihin ko. I drummed my fingers on the counter as I impatiently wait for the cashier to finish.

"Ito na po, ma'am. B-Balik po kayo ulit."

Kinuha ko sa kaniya ang paper bag na naglalaman ng pinamili ko pero bago ko pa siya magawang talikuran ay dumako ang tingin ko sa wall clock sa itaas lang na bahagi ng ulo niya. Mag a-alas onse na ng gabi. Sigurado ako na hindi bente-kwatro oras ang tindahan na 'to dahil kapag madaling-araw ako na lumalabas ay sarado na ito at sa mas malayong convenience store ako napapadpad.

Dagger Series #1: UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon