#Dagger1Unwritten #LuThor #DaggerSeries
CHAPTER 6
LUCIENNE'S POV
Nanatili akong nakapikit kahit na gising na gising na ang diwa ko. Naririnig ko kasi ang pagkilos ni Thorn na mukhang bumabangon na mula sa kama niya. Gaya ng inaasahan ay hindi ko rinig ang mga yabag niya na parang kasing tahimik ng paglakad ng pusa. He's a huge person but he always walks as if he's floating on air.
Hinapit ko ang kumot na nakatalukbong sa akin para mapalapit iyon lalo sa katawan ko nang marinig ko ang dahan-dahang pagbukas nang pintuan ng banyo na sumarado rin pagkaraan. Nanatili ako sa kinaroroonan ko habang nagpapanggap pa rin na tulog.
Hindi ko kasi alam kung paano haharapin ang lalaki. Nakakahiya talaga ako kagabi. Kung hindi nga lang nag mukha pang eighty years old ang balat ko dahil sa tagal kong nakababad sa tubig kagabi ay hindi talaga ako lalabas ng banyo.
Sana naging isda na lang ako. Tapos tatalon ako sa toilet bowl dahil baka sakaling tanggapin ako ng angkan ni Nemo kapag nakasalubong ko sila pag nakarating na ako sa karagatan.
Buti na lang talaga ay mabait si Bossing Thorn dahil nang lumabas ako kagabi ng banyo ay nakahiga na siya sa kama niya at nakaharap sa kabilang direksyon ng kama ko. Hindi rin siya umimik kahit alam ko naman na hindi pa siya tulog.
Nanigas ang katawan ko nang makarinig ako ng lagaslas ng tubig. That frigging thing was the reason why I can't face him right now! Kung bakit naman kasi kapag kasama ko ang lalaki ay aktibo ang imahinasyon ko. Bukod pa do'n ay parang lagi akong napapahiya sa kaniya na para bang panig sa kaniya ang buong universe. Pati ang walang kamalay-malay na tubig ay parang kampi sa kaniya at ipinahamak pa ako.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga sa kama ko. I should have probably escape and find a nearest mountain and bury myself there but I was too late. Nahigit ko bigla ang hininga ko nang marinig ko ang muling pagbukas ng pintuan. Pinigilan ko ang sarili kong gumalaw at hindi ko rin pinakawalan ang hininga ko sa takot na baka mahalata niyang gising na ako.
"Lucienne, wake up."
Tila lobo na tinusok ng karayom na malakas kumawala ang hangin na pinipigil ko. Dahil sa biglaan iyon ay sunod-sunod na inihit ako ng ubo at wala na akong nagawa kundi umupo habang hinahampas-hampas ko ang tapat ng puso ko na para bang makakatulong iyon sa bigla kong pagkasamid.
Nang kumalma na ang pag-ubo ko ay dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at tinignan ko ang lalaki sa likod ng mahaba kong buhok na nakatabing sa mukha ko. Nakita kong napangiwi siya nang makita ang itsura ko.
"Maligo ka na...at mag-ayos." sabi niya habang tinuturo ang kabuuan ko. "Kailangan na nating bumaba. We'll eat breakfast then after that we'll do your list."
BINABASA MO ANG
Dagger Series #1: Unwritten
ActionLucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out who she is, pero nanatiling tago sa publiko kung sino siya. Hanggang sa literal na nabuhay ang mga bag...