Chapter 21: Point

41K 1.5K 137
                                    

#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1

CHAPTER 21

LUCIENNE'S POV

Pinagmamasdan ko lang si Thorn na pabalik-balik sa loob ng bahay at sa kotse niya na ngayon ay nakabukas ang trunk. Nasa tapat kami ng bahay ko, o bahay niya dahil siya naman ang may-ari nito, at kasalukuyan niyang kinakarga ang mga gamit ko. Dadalin ko kasi ang mga iyon sa bahay niya sa Maynila at doon muna ako tutuloy habang hindi pa tapos ang nangyayari sa case ko.

Gusto ko kasi talagang dito na lang sa bahay manatili pero naaawa rin ako kay Thorn na alam kong kinakailangan sa opisina nila. Malayo ang Dagger dito kaya masasayang din ang oras namin na magpabalik-balik dito sa bahay at sa headquarters. Kaya pumayag na rin ako na pansamantala na sa Maynila na muna tumuloy. Basta nandoon si Bossing Thorn. Para inspired.

Yakap-yakap na ang laptop case na sinundan ko ng tingin ang lalaki nang pumasok na naman siya sa loob ng bahay. Ang dami ba ng dadalin ko? Bakit parang nililipat na ata ni Bossing ang lahat ng gamit ko?

"Umm... Bossing. Ine-evict mo na ba ako sa bahay mo? Sabi ko naman kasi sa'yo 'wag mo ng ibalik ang binayad ko para sa upa noon."

Nag-angat siya ng tingin mula sa mga paper bag na dala-dala niya. "Ha?"

"Parang ang dami mo atang nilalabas na gamit. Ang alam ko maliit na suitcase lang ang dapat dadalin ko. Pinapalayas mo na ko?" Ipinasok niya sa backseat ang mga paper bag at maingat niya iyong binaba sa lapag ng sasakyan. Mukhang walang ng mauupuan kahit sa likod sa dami ng nandoon. Pati mga unan meron. "Inaarbor mo ba ang mga unan ko, Bossing, kasi wala kang masyadong unan sa condo mo? Mura lang naman 'yan. Sa Shopee ko lang din nabili."

Imbis na sagutin ako ay lumapit siya sa akin para mabilis akong halikan sa noo bago ako nilagpasan para may kunin ulit sa loob ng bahay. Shet nemen! Kinikilig na naman ang matres ko!

Hindi pa ako nakakabawi ay muli siyang lumabas ng bahay at a pagkabigla ko ay bitbit niya ang pinakamalaki ko na suitcase. "Hala ano 'yan? Bossing seryoso pinapalayas mo na ba ko? Magkaaway ba tayo? Parang hindi naman kasi hinalikan mo pa ko." Nanglaki ang mga mata ko nang may maisip ako, "Goodbye kiss na ba 'yon? Ang corny naman. Di ba dapat torrid kapag goodbye kiss?"

Gano'n iyon di ba? O gawa-gawa lang 'yon ng utak ko? Parang ganoon kasi 'yung mga napapanood ko sa movies. Laplapan tas iiwan. With matching pag-ulan pa habang umiiyak 'yung dalawang bida. Napatingin ako sa langit sa naisip ko. Ay maganda ang weather.

Hindi naman sumasama ang loob ko na break-up na ang iniisip ko. Dahil sa mga napanood ko naman sa ending nagkakabalikan pa rin naman sila. Papahirapan sa una tapos magkakatuluyan din sa huli. It's part of the process. Writer ako kaya alam ko 'yon kahit na sa mga storya ko puro pahirap lang talaga. Gore nga eh.

Dagger Series #1: UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon