CHAPTER 15
LUCIENNE'S POV
Naririnig ko ang mga malalakas na boses ng mga tao sa paligid pero nananatili akong tutok sa ginagawa. Iyon lang ang paraan para magawa kong ibaon at itago ang kaba na nararamdaman ko. Hindi pa rin kasi talaga ako sanay sa mga ganitong bagay. It's not like I can change myself overnight.
Ang pagkakaiba lang ay nagagawa ko ng harapin ang takot ko ngayon. Pinopokus ko ang sarili ko sa isipin na kung para saan ba ang ginagawa ko. I've been writing for ages but if I'm being honest, it was mostly just for me.
"Akala ko po talaga lalake kayo. Kahit Lush Fox and author name niyo hindi kasi malamya ang pag describe niyo sa mga senaryo sa libro eh. Hindi po talaga ako makapaniwala na makikita ko kayo ngayon. Sobrang fan niyo po talaga ako!"
Nag-angat ako ng tingin sa babae na nakatayo sa harapan ko. Yakap-yakap niya ang iba ko pang mga libro na natapos ko ng pirmahan. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan at para bang any moment ay bigla na lang siyang sasabog sa sobrang kasiyahan.
"Thank you." matipid kong sabi sa kaniya at pagkatapos ay tinuro ko ang kinaroroonan ng ilan sa mga staff ng Quetzal Publishing. "Hingi ka ng eco bag sa kanila. Umuulan pa naman sa labas baka masira ang paper bag mo."
Akala mo ay binigay ko sa kaniya ang sikretong lugar kung saan mayroong nakatagong mga kayamanan sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. "Sobrang bait niyo po! Pwede pong papicture?"
Itinaas ng babae ang cellphone niya at tumango na lang ako. Katulad sa mga nauna ay maliit na ngiti ang ang binigay ko. Mukha namang okay lang iyon sa kanila at tanggap naman nila na ito lang ang kayang ibigay ng pagkatao ko.
Umirit ang babae sa kasiyahan habang tinitignan ang selfie naming dalawa at pagkatapos ay nakangiting nag-angat siya ng tingin sa akin. "Ang ganda niyo po! As in!"
Muli akong nagpasalamat sa kaniya at sinundan ko na lang siya ng tingin nang bumalik na siya sa upuan niya habang ang susunod sa kaniya ay naglalakad na palapit sa kinaroroonan ko.
Sa totoo lang namamangha talaga ako sa sinasabi nila. Mula nang makarating kami rito sa event venue at magsimula ang book signing ay parang sunod-sunod na surpresa ang dumadating sa akin. Una na ro'n ang dami ng tao na pumunta. Sobrang nalagpasan ang expectation ko. Inaasahan ko kasing marami ang hindi makakarating dahil hindi naman lahat ng mambabasa ko ay nasa Luzon. Pero base sa mga nakausap ko kanina ay marami sa kanila ang galing pa sa malalayong lugar.
Bukod do'n ay ang mga sinasabi nila sa akin. Kung paanong hinahangaan nila ako, na mahal nila ako, ang galing ko raw, at kung ano-ano pang compliment. Lalo na kapag pinupuri nila ang itsura ko. Wala namang kakaiba sa akin kapag nakikita ko ang sarili ko.
"Hello po Miss Lush-"
Nanglaki ang mga mata ko nang hindi matapos ng babae ang sasabihin dahil bigla na lang siyang napaiyak. Napatayo ako ng wala sa oras at humihingi ng saklolo na nagpalingon-lingon ako. "H-Hala ate anong nangyari? Hoy! Gawan niyo ng paran 'to sinong umaway dito?!"
BINABASA MO ANG
Dagger Series #1: Unwritten
ActionLucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out who she is, pero nanatiling tago sa publiko kung sino siya. Hanggang sa literal na nabuhay ang mga bag...