#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1Unwritten
CHAPTER 22
LUCIENNE'S POV
Naramdaman ko ang paghawak ni Leo sa magkabila kong mga braso nang bigla na lang akong mapapitlag nang makarinig ako ng galabog. Hindi ko magawang tumingin sa mga monitor na sumasakop sa control room na kinaroroonan namin sa pangamba na baka ang kinakatakot ko ang nangyayari sa mga iyon.
Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Leo nang magsimula akong mangatal na para bang nilalamig ako. Ngunit maging ang mainit niyang mga palad ay hindi nakatulong para matanggal ang nararamdaman ko na panginginig.
It wasn't long when he suddenly let go of me and another pair of arms went around me. Nag-angat ako ng mukha at pakiramdam ko lahat ng bigat na para bang nakadantay sa akin ay nawala nang magtama ang mga mata namin.
Mabilis na humigpit ang mga braso niyang nakayakap sa akin nang bigla na lang manlambot ang mga tuhod ko. Sinalo niya ang buong bigat ko at sa pagkabigla ko ay bago ko pa magawang iayos ang sarili ko nagawa na niya akong buhatin. Umupo siya sa sofa na nasa control room at inilagay niya ako sa kandungan niya. Kaagad akong sumubsob sa dibdib niya habang ang mga braso niya ay nananatiling nakayakap sa akin.
I can feel my body starting to relax which at this point is not good for me. Leo held me together but now with Thorn's arms wrapped around me, I can feel myself melting. Kaya hindi na ako nagtaka sa sarili ko nang mabilis na umagos ang nag-uunahang luha mula sa mga mata ko kasabay ng hikbi na nakagawang makatakas sa mga labi ko.
It didn't take long for my cries to turn into a straight out bawling. That's how scared I was. "Akala mo ba si Superman ka? O akala mo bulletproof ka? Are you insane?! Dapat kinulong niyo na lang sa elevator kung sinuman iyon tapos binagsak niyo 'yung elevator para magkalasog-lasog siya at sumirit lahat ng dugo sa katawan niya kapag napipi na parang lobo ang katawan niya! O kaya dapat nag evacuate na tayo at iniwan siya sa elevator hanggang sa magutom siya, mauhaw, hanggang sa kainin niya ang sarili niyang laman sa sobrang pagkabaliw then he will die slowly while he bleed! Did you know that there's a ritual where people eat the bodies of dead people? Tapos mamamatay din sila from a disease known as Kuru. But death from that will be slow and may take weeks or months so we can only hope that the shooter will just bleed to death!"
"Out."
Nakarinig ako nang mga pagkilos nang bigkasin ni Thorn ang salitang iyon. Luhaan akong lumingon sa mga taong kasama pa namin at nakita kong palabas na ng pintuan sina Leo at Julian habang si Axel naman ay nakatingin sa amin habang nakangiwi. "Remind me not to ever anger a writer. That's some vivid description."
Nanginig siya na para bang hindi niya ma-proseso ang mga pinagsasabi ko kanina at pagkatapos ay inikot niya ang kinauupuan para humarap ulit sa monitor. Nagsuot pa siya ng headphone para siguro makausap ang mga taong nakakonekta sa control room.
BINABASA MO ANG
Dagger Series #1: Unwritten
ActionLucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out who she is, pero nanatiling tago sa publiko kung sino siya. Hanggang sa literal na nabuhay ang mga bag...