Chapter 12: Choice

40.1K 2K 335
                                    


#DS1U #LuThor #DaggerSeries #DS1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS1U #LuThor #DaggerSeries #DS1

CHAPTER 12

LUCIENNE'S POV

"She's your daughter."

Ilang beses na nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon sa utak ko na para bang hindi pa sapat ang kung anong tila tumarak sa akin nang marinig ko iyon na nanggaling sa babae na kita naman ang koneksyon kay Thorn.

Nang sabihin niya iyon ay pakiramdam ko tumigil ang buong mundo ko. Kasi ang taong natutunang pagkatiwalaan ng puso ko ay mukhang hindi pala talaga kayang protektahan iyon. Kasi ramdam ko 'yung sakit na hindi ko naman dapat maramdaman.

Ano bang meron sa amin? Wala naman. Wala namang kami. Sino ba naman kasi ako para maging kaniya? Sino ba naman ako para maging akin ang taong katulad niya?

Katahimikan ang namamayani sa pagitan namin dalawa ni Thorn. Mula nang makaalis kami sa lugar na pinagdalhan niya sa akin ay wala na akong narinig na kahit ano sa kaniya. Kahit paliwanag na hindi ko alam kung handa ba akong marinig mula sa kaniya.

Kahit minsan ay walang nabanggit ang lalaki tungkol sa nakaraan niya. O partikular sa nakaraan niyang kasama ang babaeng iyon. Eloise. Iyon ang pangalan ng babaeng na naging parte ng nakaraan niya. Taong hindi ako sigurado kung ano ang papel sa hinaharap niya. Kasi sa nakikita ko ay apektado pa rin siya pagdating sa babae. At kahit hindi dapat... nasasaktan ako.

Ang hirap pala kapag nandoon ka na sa punto na wala ka pang karapatan pero ang dami mo ng nararamdaman.

Tumingin ako sa labas ng bintana at hinayaan kong tangayin ng hangin ang mga naglalarong tanong sa utak ko. Mga tanong na hindi ko alam kung magagawa ko bang sabihin sa kaniya. Kasi bumabalik na naman ako ro'n sa stado na hindi ko alam kung ano bang tama kong isipin at maramdaman. Bumabalik na naman ako sa isipin na kung ano ba ako talaga pagdating sa kaniya.

Kasi ilang beses niyang pinaramdam na hindi ako trabaho lang. Na kung anong meron kami ay hindi lang dala ng katotohanan na nailagay kami sa sitwasyon na lagi kaming magkasama. He managed to capture my every thought sa pamamagitan lang ng mga salitang binibitawan niya na ilang beses pinatibok ang puso ko... and he also caught my heart with the way he sees me. Kung paano niya ipakita sa akin kung anong nakikita niya na kasalungat sa nakikita ko sa sarili ko. Kung paano niya iparamdam na hindi ako basta-basta pagdating sa kaniya.

O ako lang ba? Ako lang ba ang nakaramdam no'n? Sa aming dalawa... ako lang ba ang nahulog? Ako lang ba ang umasa?

Napakurap nang maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan dahilan para muli akong makabalik sa kasalukuyan. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay na tinutuluyan namin.

Hindi pa rin nagsasalita na lumabas si Thorn at umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan kung saan nandoon ako para buksan ang pintuan ng sasakyan. Tinangka kong unahan siya ng makabawi ako pero nauna na niyang magawa iyon.

Dagger Series #1: UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon