#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1
CHAPTER 16
LUCIENNE'S POV
Kabila-kabila ang pinagmumulan ng ingay pero hindi katulad noon ay hindi ko iyon pinagtutunan masyado ng pansin. Sa halip ay magana lang akong kumain habang ang nakaupo sa harapan ko na si Nate ay tuloy sa pagkukuwento.
Nasa food park kasi kami. Hindi pa ako nakakapunta sa kahit isang food park sa tanang buhay ko kaya bago sa akin ang karanasan. Iyon nga lang hindi ko inaasahan ang dami ng tao nang makarating kami sa Barracks. Park nga eh. Ano namang ine-expect ko? Kasing tahimik sa museum?
Dahil na rin sa naganap na event medyo lowbatt na ako pagdating sa socialization. Hindi naman kasi talaga ako sanay sa maraming tao. Parte na iyon ng pagkatao ko. Pero dahil mas matindi ang kalam ng sikmura ko kesa sa kagustuhan kong tumakas sa pagharap sa mga tao ay hindi na lang din ako umimik. Nag pokus na lang talaga ako sa gusto kong kainin dahil infernes naman ang dami talagang mapagpipilian sa lugar na ito. Again. Food park nga kasi.
"Kaya sabi ko talaga sa sarili ko hindi para sa akin ang kurso ng engineering. Mahina talaga ako sa Math. I really can't understand people that are good with it. I mean, I get that they're amazing. Talaga namang nakakamangha sila. Pero hindi ko maintindihan kung bakit natutuwa sila sa numero."
Tinanguhan ko siya habang namumualan ang bibig ko sa shawarma na kinakain ko. Mabilis na nginuya ko iyon bago ako nagsalita, "Nakakarelate ako riyan. Noong college ako parang gusto ko ng isumpa iyong nagpauso na lagyan ng Math ang curriculum namin. Kasi 'yung totoo? Bakit kailangan ng algebra eh hindi ko naman iyon kailangan sa pagsusulat? In Math there's a continuous search for Y and X. In my world that's "why" and "Ex". Totally different things."
"Bakit pa kailangang hanapin kung matagal naman ng nawala?" Natigilan ako sa sinabi ng lalaki dahil ramdam ko na may laman iyon. Mukhang maging siya ay nabigla sa sinabi niya kaya ngumiti na lang siya at inabot sa akin ang fries na nasa tabi niya. "Kain ka pa."
Kumuha ako no'n at kaagad ko iyong sinubo. Nang hindi ako nakuntento ay kumuha pa ako nang kumuha at sunod-sunong kong sinubo iyon. Napatigil lang ako nang mapansin kong nakatitig na sa akin ang lalaki. "Ang takaw ko ba?"
He chuckled at my question, "Hindi. Nakakatuwa ka lang kasi panoorin. Ikaw lang ata ang babae na nakasama ko na hindi nangingiming kumain nang kumain. Usually kasi parang nahihiya pa."
Pinaikot ko ang mga mata ko. Seriously, why do women do that? "You know, I really don't understand that. Bakit mo itatago sa ka-date mo na marunong ka rin kumain? It's not like it's a crime to eat. Saka isa pa when you're with someone you're both trying to know more about each other. Kung sa umpisa pa lang ay tinatago mo na ang totoong ugali mo paano na kapag naging kayo na? Kaya nauuwi rin sa hiwalayan eh."
BINABASA MO ANG
Dagger Series #1: Unwritten
ActionLucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out who she is, pero nanatiling tago sa publiko kung sino siya. Hanggang sa literal na nabuhay ang mga bag...