#Dagger1Unwritten #LuThor #DaggerSeries
CHAPTER 4
LUCIENNE'S POV
Nag-angat ako ng mga mata mula sa monitor ng laptop na kung saan kanina ay tutok na tutok ang atensyon ko at napatigil ang mga kamay ko sa tuloy-tuloy na pagtipa nang bigla na lang bumukas ang pintuan ng kwartong tinutuluyan ko.
Nanglaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang taong nakatayo ro'n ngayon. "Bossing!"
Humakbang papasok ng kwarto ang may-ari ng Quetzal Publishing Corporation na siyang pinagtatrabahuhan ko. In the industry of publishing no one will look at him and not know who he is. With his tall stature, aristocratic features, formal expression, and his unsmiling face; Magnus Aquilan breaks all stereotype about book nerds. Dahil walang kahit isang patak sa kaniya ang mukhang geeky...kahit pa na siya na ata ang pinaka well-read na taong nakilala ko. He doesn't even shy away from romance novels. Dahil bago pa makapasok sa publishing house niya ang mga libro ay siya muna ang unang kritiko no'n.
"Lucienne."
Napangiwi ako sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Buong-buo talaga. Partida na lang na tama ang pronunciation hindi katulad ng iba na lu-si-yen ang bigkas sa pangalan ko. Lash-si-yen kasi. Pinaarteng pagbigkas. "Lush na lang, Bossing. Close naman tayo."
"Are you okay?"
Inikot niya ang mga mata sa maliit na kwarto na ginagamit ko dito sa headquarters ng Dagger Private Security and Investigation. Kama lang, isang cabinet, at isang bedside table ang meron dito. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit may hindi pagkapaniwala sa mukha niya sa nakikita. "Okay naman po. Hindi naman ako mapili sa tulugan. Hindi rin naman matigas ang kama ko. Saka malakas ang wifi nila rito infernes. Hindi nag ba-buffer kapag nag ma-marathon ako ng TV series saka walang lag kapag naglalaro ako ng mobile games."
Matamang nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ko. O baka nag-iisip lang siya kung tama bang binisita niya pa ako dahil katulad noon kapag nagkikita kami ay mukhang pinapasakit ko na naman ang ulo niya.
"That's not what I meant Lucienne."
Napakamot ako sa pisngi ko habang nakatingala pa rin ako sa nakatayong bulto niya. "Okay lang ako, Bossing. Ang mga tao sa labas ang hindi. Hindi naman ako ang sinasaktan ng kung sino mang kinulang sa turnilyo na taong 'yon. Wala akong karapatang magreklamo."
"This is a lot even for you and you know it."
Totoo naman ang sinasabi niya. Kahit anong gawin kong iwas sa isipin na isa ako sa may kasalanan sa nangyayari ay hindi ko mawaglit iyon sa isip ko. Pakiramdam ko kasi kung sana hindi ko na lang ginawa ang mga libro na iyon ay baka wala ng taong nasasaktan ngayon. Hindi ko rin maiwasang tanungin sa sarili ko kung bakit sa dinamidami ng tao sa mundo ay ako ang nakakaranas ng ganito ngayon? Ano bang meron sa akin na lahat ng nagpapasaya sa akin ay lagi na lang kinukuha sa akin?
BINABASA MO ANG
Dagger Series #1: Unwritten
ActionLucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out who she is, pero nanatiling tago sa publiko kung sino siya. Hanggang sa literal na nabuhay ang mga bag...