Chapter 17: Collide

42.7K 1.7K 224
                                    

#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1

CHAPTER 17

LUCIENNE'S POV

Pabagsak na umupo ako sa sofa at basta ko na lang inihagis kung saan ang hawak ko na bag. Nakatingin sa kisame na inaalala ko ang mga nangyari sa food park. Hindi talaga ako makapaniwala na makikita ko siya ro'n.

It took me two hours before I got home. Imbis kasi na umuwi ay namalagi muna ako sa coffee shop na alam kong bukas pa ng ganitong oras. Gusto ko lang mapag-isa. I just want to recollect myself for a while.

Sa loob ng apat na buwan kahit anino ni Thorn ay hindi ko man lang nakita. Tinanggap ko naman iyon. Alam ko naman na kasi na tapos na kung anuman ang namagitan sa amin. Naiintindihan ko iyon pero bakit kung kailan nagsisimula na akong kalimutan siya ay saka naman siya dadating ulit para lituhin ang puso ko?

Nakakapagod ng magsimula ulit. Uulitin ko na namang alalahanin lahat ang namagitan sa amin para magawa kong ipaintindi sa sarili ko na malaki man ang naging epekto no'n sa akin ay hindi ibig sabihin gano'n din sa kaniya. Hindi ibig sabihin na nahulog ako ay gano'n din ang nangyari sa kaniya.

Napatingin ako sa kanan ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Napabuntong-hininga ako dahil sigurado ako na si Nate iyon. Malamang gustong siguraduhin kung nakauwi na ba ako ng maayos.

Imbis na kunin ang cellphone ay muli kong ibinalik ang mga mata ko sa pagtingin sa kisame na para bang masasagot no'n ang mga katanungan sa utak ko. Kung bakit kailangan bumalik ni Thorn? Bakit kailangan niyang guluhin ulit ang isip at puso ko? Kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na maapektuhan? Kung bakit miss na miss ko na siya?

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga kasabay ng panlalabo ng mga mata ko. Ikinurap ko ang mga iyon para pigilan ang luha ko sa pagbagsak na nagtagumpay naman ako na gawin. Sanay na ako. Ilang beses na ba ang nagdaan na kailangan kong gawin iyon kada may makakapagpaalala sa akin tungkol sa kaniya?

Muling naagaw ng tunog na nagmumula sa cellphone ko ang atensyon ko. Nakakaramdam ng pagkahapo na pinilit ko ang sarili ko na tumayo mula sa pagkakaupo at inabot ko ang shoulder bag ko. Kinapa ko roon ang cellphone at pagkatapos ay hinugot ko iyon.

Napakunot-noo ako nang makita ko na hindi pangalan ni Nate ang naka-display doon kundi mga numero lang. Binuksan ko ang mensahe at natigilan ako nang maintindihan ko kung kanino iyon nanggaling.

FR: Unknown Number

Are you okay?

FR: Unknown Number

Lucienne, are you okay?

Hindi lang dalawang mensahe iyon. Mukhang kanina pa niya ako minemessage mula nang makaalis ako sa food park. Halos pare-pareho lang ang laman ng mga mensahe. Ilan sa mga iyon ay nagpapakilala siya dahil iba na ang numero na iyon habang ang karamihan sa mga iyon ay tinatanong niya lang ako kung okay ba ako.

Dagger Series #1: UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon