Chapter 5: Questions

50.4K 1.9K 434
                                    

#Dagger1Unwritten #LuThor #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#Dagger1Unwritten #LuThor #DaggerSeries

CHAPTER 5

LUCIENNE'S POV

Panay ang subo ko ng chips na hawak ko habang pinapanood ko ang mga tao sa harapan ko na kasalukuyang pabalik-balik sa paglabas at pasok sa bahay. Kasalukuyan kasi nilang pinapasok ang mga pinamili namin kanina sa mall.

Kanina tumutulong pa ako sa kanila kaso nang ilang beses kong maibagsak ang mga hawak ko lalo na nang tumulong ako sa pagbuhat ng kahon na ang ending ay naibagsak ko sa paa ni Thorn ay binigyan na niya ako ng matalim na tingin at itinuro ang sulok kung saan ako nakaupo ngayon sa isa sa mga dining chair na tinanggalan niya na ng plastic. Kahit na sinungitan ako eh bumawi naman dahil binigyan ako ng pagkain. Come to think of it. Parang laging pagkain ang pambawi niya kapag sinusupladuhan niya ako.

"Saan po ilalagay 'tong isa pang kama?"

"Sa master's bedroom." narinig kong sagot ni Thorn.

Napakunot-noo ako. Akala ko nalagay na iyong isa pang bagong kama sa master's bedroom kaya bakit ilalagay doon ang pangalawa? Baka mali lang ako. Inilipat nila siguro iyong isa pa sa guest room. Nakakapagtaka lang eh parehas lang naman ng klase iyon. Baka may gasgas o ano. Sensitive siguro si Thorn sa mga gano'n. Only perfection touches his skin ganern.

Humagikhik ako at kaagad ko naman tinakpan ang bibig ko para walang makarinig. Pero huli na iyon dahil napatigil ang isa sa mga delivery man nang mapatingin sa gawi ko. Napangiwi ako ng mabitawan niya ang bitbit niya na paa ng coffee table. Buti na lang bakal iyon at mukhang hindi naman nasira.

Hinawi ko ang kulot ko na buhok na hindi ko pa rin nasusuklay pero imbis na maalis iyon ay bumalik lang iyon sa pagkakatabing sa mukha ko. Ngumiti na lang ako sa kaniya pero nang makita kong hindi nabago ang ekspresyon sa mukha niya ay napabuntong-hininga na lang ako. Bakit kaya kapag ngumingiti ako mas natatakot pa sa akin ang mga tao? Ang ganda naman ng ngipin ko. Nag tooth brush din naman ako.

"Bakit tooth brush ang tawag sa tooth brush kuya?" tanong ko at ng hindi siya sumagot ay nagpatuloy ako. "Bakit hindi teeth brush eh marami ang lilinisin mo hindi lang naman isa?"

"P-Po?"

Masyado atang pang genius ang naging tanong ko. Makagawa nga ng case study tungkol do'n. Umiling ako at inabot ko sa direksyon ng lalaki ang hawak ko na pakete ng chips. "Gusto mo?"

Sunod-sunod na umiling siya at basta na lang niya kinuha ang kanina ay bitbit niya at pagkatapos ay inilagay niya iyon sa harapan ng sofa bago nagmamadaling lumabas. Muli akong napabuntong-hininga at dinampot ko ang cellphone na nakapatong sa lamesa sa tabi ko. Binuksan ko ang camera no'n at pagkatapos ay tinignan ko ang sarili ko.

Napangiwi ako nang makita ko ang itsura ko. Kaagad na pinunasan ko ang bibig ko na may kumalat na palang bakas ng cranberry juice na iniinom ko kanina. Kawawa naman si kuya. Baka akala gagawin ko siyang dessert ko. Lalo tuloy nakadagdag iyon sa natural ng nakakatakot kong anyo. Bukod kasi sa tamad akong magsuklay kaya laging parang dinaanan ako ng bagyo ay talaga sigurong nakadikit na sa aura ko ang pagiging "creepy" ko. Masyado na rin kasing matagal mula nang magkaroon ako ng interaksyon sa ibang mga tao. I just don't know how to act or talk anymore. Idagdag pa ro'n na hindi naman talaga normal ang takbo ng utak ko kaya bukod sa natatakot sila sa akin ay na we-weirduhan din sila.

Dagger Series #1: UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon