#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1
CHAPTER 28
LUCIENNE'S POV
Nakakailang palit na ako ng damit pero hindi pa rin ako makapili ng susuotin ko. Ganito pala ang pakiramdam na may importante ka na lakad na dapat mong paghandaan. Hindi naman kasi ako sanay sa ganito.
"Lucienne?"
Nanglaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Thorn mula sa labas ng pintuan ko. Natatarantang ipinatong ko sa suot ko ang jacket na unicorn ko na kaparehas ng meron si Thorn. Dami kong sinukat dito pa rin pala ako mauuwi. Pagkatapos no'n ay nagmamadaling kinuha ko ang bag ko.
Mabilis na tinungo ko ang isang panig ng kuwarto at kinuha ko ro'n ang bago ko pang sapatos at isinuot iyon. Nang matapos ay lumapit na ako sa pinto at pinagbuksan si Thorn.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at nang magtama ang mga mata namin ay kita ko ang ningning sa mga iyon habang ang isang sulok ng labi niya ay nakataas. "Are you a unicorn or a mermaid?"
Nagbaba ako ng tingin sa suot ko. Nakasuot kasi ako ng bestida na hanggang bukong-bukong. Naghahalo ang pastel pink at blue no'n sa ombre na paraan. Ang sapatos ko naman ay sneakers na sequin na kapag natatamaan ng araw ay nagbabago ng kulay. It's a mermaid outfit.
Ang suot ko naman na hoodie ay iyong couple hoodie namin ni Thorn na may nakasulat na "I'm A Unicorn." at sa magkabila kong tenga ay meron akong hikaw na may unicorn na nakadikit sa kulay pink na pompoms. Bukod pa ro'n ay nakasukbit din sa akin ang crossbody unicorn bag ko.
"I can be both. I'm choosing the best out of the two." I confidently said and gave him a thumbs up.
Naiiling na inabot niya ang kamay ko at hinila na para bumaba ng bahay. Pinigilan ko ang ngiti na gustong sumilay sa mga labi ko nang bumaba ang mga mata ko sa magkahugpong namin na mga kamay. Wagi na naman ang long hair ko. Kahit pa sabihin na hanggang balikat ko na lang ang buhok ko dahil pinagupitan ko iyon noong sawi pa ako kay Thorn.
Tumuloy na kami sa sasakyan niya na nakaparada sa tapat ng bahay ko. O bahay niya? "Ang weird lang. Bahay ko 'to kasi nagrerenta ako though technically wala naman akong binabayad kasi ayaw mong tanggapin. Pero bahay mo rin 'to kasi ikaw naman talaga ang may-ari." sabi ko kay Thorn nang makapasok na rin siya sa loob ng sasakyan.
"Bahay natin."
Kinurot ko sa tagiliran ang imaginary maharot self ko na kilig na kilig bago ko nilingon si Thorn na kasalukuyang inaabot ang seatbelt ko.
"Eh hindi ka naman nakatira rito."
Sa Manila pa rin kasi tumutuloy si Thorn. Pero kung iisipin kalimitan din siyang mag stay dito sa bahay. Minsan pa nga tumatawag siya ng madaling-araw na alam naman niyang gising pa ako para sabihin na on the way na siya galing sa Dagger. Kapag nandito naman siya sa Cavite ay ginagamit niya ang guest room o kaya minsan naman ay nakakatulog na kami sa sala kung saan siya nanonood habang ako ay nagsusulat.
BINABASA MO ANG
Dagger Series #1: Unwritten
ActionLucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out who she is, pero nanatiling tago sa publiko kung sino siya. Hanggang sa literal na nabuhay ang mga bag...