2nd wave

305 6 1
                                    

Alistrair Kendall's POV

Nagising ako ng sunod sunod na tunog ng cellphone ko. Dinampot ko yun sa side table at tinanggal sa charge.

Ang dami naman ng chat neto?

==

Adison Fifth
: huy
: good morning baby!
: or honey
: or mahal ko
: or love nalang para susyal AHAHAHAHHAA
: love gising naaaa

==

Marami syang chat mula kagabi pero yan lang chat nya ngayong umaga.

Ang korni nya ah. Natali nya pa ako.

Kasalukuyan syang offline kaya ni like ko nalang mga pinag sasabi nya.

Sinara ko ang cellphone ko at tumayo. Kinuha ko ang towel ko at pumasok sa cr para maligo. Habang naliligo ako ay dinig ko ang sumod sunod na tunog ng cellphone ko.

Nang matapos ako sa pag ligo at bihis ay tsaka ko pinulot ang cellphone ko at binuksan ang messenger.

==

Adison Fifth
: sht like zoned!
: kinilig ako sa like mo crush! Okay nang hindi ka mag chat! Atleast like mo ako hihi.
: liligawan mo na ba ako? Like mo na kase ako eh hihi.
: wag mo na ako ligawan babe. Tayo na agad hihi.
: babe hinihintay na kitang haranahin ako.
: baby
: babe
: papasok ka na ba sa school?
: Alistrair Kendall Mendoza Corpuz
: yieee Mrs. Corpuz hihi

==

Napa nguso ako sa mga nabasa ko. jusme ang sipag nyang mag tayp.

Bahala sya dyan

Binulsa ko ang cellphone ko at binitbit ang bag ko pababa sa sala.

"Ma! Di na ako kakain! Late na ako! Bye!" Sigaw ko nang makita ang oras sa wall clock.

"Ge!"

Ayos ah. Parang di ako anak huhu.

Ilang minuto pa ang nilakad ko papunta sa school.

Tinakbo ko na paakyat sa classroom namin, pag bukas ko ng pinto.

"Good morning po, sorry im late." Bati ko sa teacher at wala naman syang choice kundi ang paupuin ako.

" aga mo ah." Bulong sakin ni Kyla. Kaibigan ko hehe.

"Most punctual kaya ako." Mayabang na sabi ko kahit ang totoo eh lagi akong late.

Hindi na sya sumagot at nakinig nalang sa prof namen.

Ako naman eh busy sa pag subok na imute ang cellphone ko. Pano ba naman eh nag vivibrate ng paulit ulit.

Pwede naman kaming mag cellphone dito sa campus. Pero bawal kapag may klase. Diba? Given na yun eh. May klase.

Nag labas ako ng notebook at binuklat yun sa gitna tsaka ko pinatayo sa desk ko para kunyare nag babasa pero hinde! Nag cecellphone ako! Pag ako nahule iba-block ko talaga kung sino man tong nag chachat saken.

==

Adison Fifth
: hai!
: nasa school ka na bebe ko?
: aral kang mabute para sa future natin ha.
: nag iipon na ako para sa kasal naten hihi.
: HAHAHAHAHAHAHA
: Oh diba. Hindi pa kita sinasagot pero pinag paplanuhan ko na future naten!
: babe alam mo bang nasa klase din ako.
: nakita kita kanina.
: joke lang hehe.

==

Kumunot ang noo ko nang mabasa ang mga chat nya. Hindi ba talaga mananahimik tong unggoy na to? Nasa klase pala sya eh. Wag nya akong ichat! Nananahimik ako dito eh.

==

Alistrair Kendall
: istorbo ka
: may klase ako manahimik ka

Adison Fifth
: AAAAAAA
: nag reply ka na!
: yieee diba nasa klase ka babe.
: nag tatago ka ba habang nag cecellphone?
: yieee hihi

Alistrair Kendall
: shut up.
: iba-block kita pag hindi ka tumigil

Seen

==

Ilang minuto nyang sineen ang message ko. Hanggang sa mag reply nanaman  sya.

==

Adison Fifth
: ay sorry.
: na seen ko pala.
: pinag recite kase ako eh hehe.
: wag naman babe. Gusto lang naman kitang kachat eh.

==

Lumingon ako kay Kyla nang makibasa sya. Siniko ko sya at tinuro si sir. Baka mahuli kami. Lagot ako.

==

Alistrair Kendall
: Eh ayaw kitang kachat eh may magagawa ka ba? Ha

Adison Fifth
: Eh gusto kitang kachat eh! May magagawa ka rin ba?

==

Final Wave [Hexagon Series #1]Where stories live. Discover now