Alistrair Kendall's POV
"huyy.. Tama na.."pag alo sakin ni Kyla, hinahagod nya ang likuran ko habang naka yuko ako sa tuhod ko at umiiyak.. "Kendall.." Tawag nya pa sakin.
Ilang minuto pa akong umiyak don.
"Bakit ka ba umiiyak? Bumili lang ako ng tubig tapos pag balik ko umiiyak ka na."sabi ni Kyla at inabutan ako ng panyo.
"Nakita ko sya Kyla." Umiiyak na sabi ko, nag angat ako ng tingin at tumingin sakanya, mukha naman syang nagulat. "Nakita ko sya." Ulit ko.
"Ano?! Saan?! Pogi ba?! Omg! Eh bakit ka umiiyak kung nakita mo pala sya?!" Sigaw nya sakin, kilala nya na kahit di ko pa sinasabi? Pano pala kung yung tae nya yung nakita ko.
"Nag babye sya eh."mahinang sabi ko. "Hindi ko nakita buong mukha nya."
Napa buntong hininga sya.
"Okay lang yan, di ka matitiis non. Mag papakita din yon." Sabi nya at hinagod ang likuran ko.
-
Lumipas ang isang linggo.
"Huy, wala ka bang balak kumain?"
napa kurap ako nang mag tanong si Kyla, tumingin ako sakanya at naka taas ang isang kilay nya habang naka cross arms sa harapan ko.
Bumuntong hininga ako.
"Sige.. Tara."pumayag na ako, baka magalit sya sakin pag hindi ako kumain ng lunch eh.
Tumayo ako at nag lakad na kami papunta sa cafeteria.
"Alam mo ba, half day si Keiji ngayon. One week din absent yon, buong festival."kwento ni Kyla saken.
"Hmm? Ano ba itsura non? Bat di ko pa sya nakikita?" Nag tatakang tanong ko. Balita ko kase kasabay ko yon pumasok dito sa school na to eh, as in sabay kami ng year nung nag enroll dito, at grade 5 pa ako non.. Bat di ko pa nakikita?
"Alam mo, kahit mataray ka dati. Chismosa ka, hindi ka naiiwan sa balita.. Eh bat di mo kilala yon si Keiji? Aba kung hindi ko pa kinuwento sayo na may nag eexist na Keiji sa school na to eh hindi mo pa malalaman."sarcastic na sabi ni Kyla.
"Di ko din alam."nalang ang nasagot ko, nakakatamad mag salita eh.
Pag pasok namin sa cafeteria ay natural na maingay at may kanya kanyang mundo ang mga tao sa ekonomiya.
"Ako na oorder ng sayo, mag hanap ka na ng upuan." Tumango ako sa sinabi ni Kyla.
naka ngiwi akong nag hanap ng mauupuan. Nang maka hanap ay nilabas ko agad ang cellphone ko at pinatong sa lamesa, tumitig ako don.
ilang minuto akong tumitig don, dumating na si Kyla at kung ano ano na ang kinukwento pero wala akong maintindihan sa mga pinag sasabe nya, Halos hindi na ako makasubo ng carbonara na nasa plato ko dahil sa pag titig sa cellphone.
nanlaki ang mata ko nang mag notif ang messenger at lumabas ang pangalan ni Fifth!
==
Adison Fifth
: baby..
: eat your food...
: properly..
: please.==
He's here!
YOU ARE READING
Final Wave [Hexagon Series #1]
Fiksi Remaja[Hexagon Series #1] "Goodbye, I love you one last time.."