3rd wave

188 5 0
                                    

Alistrair Kendall's POV

napabuga ako ng hangin sa sobrang inis na ginagantihan nya ang katarayan ko.

==

Adison Fifth
: di pero kinikilig ako hihi
: alam mo kung baket?
: syempre hinde
: hindi mo ba ako itatanong kung baket?
: syempre hindi rin kase wala ka namang pake saken.
: sige ako nalang mag tatanong sa sarili ko.
: baket ka kinikilig pogi?
: eh kase! Ang bilis mag reply ng babe ko!
: nakakausap ko na sya ng mahaba! Hihi.
: kilig aku.
: o diba congrats saken.

Alistrair Kendall
: edi congrats sainyo ng bebe mo

Adison Fifth
: salamat po! Salamat sa suporta
: AHAHAHAHHAHAHA
: gusto mo bang malaman kung sino sya?

Alistrair Kendall
: not interested

Adison Fifth
: alam ko.
: Na figured ko na na hindi ka interesado
: kaya napag desisyunan kong sabihin padin sayo
: AHAHHAHAHAHA
: ako nalang ulet mag tatanong sa sarili ko
: sino ba bebe mo pogi? Ano pangalan?
: Alistrair Kendall Mendoza lang naman hihi

==

Natigilan ako. Grabe. Di ko makayanan tong nilalang na to.

"Ms.Mendoza! What are you doing?" Sigaw ng prof namen.

Hindi ko namalayang katabi ko na pala sya

Tinago ko ang cellphone ko at naka yukong nakinig kay ser na pagalitan ako at sinabing detention ako mamaya.

kasalanan to nung fifth na yun eh.

ngumiwi ako nang matapos na ang klase.

"sino ba kase yung kachat mo ha?" Tanong sakin ni Kyla habang nag lalakad kami papunta sa canteen.

"Hindi ko kilala. Ang kulit kulit kulit nya! As in! Hindi nya ako tinitigilan!" Singhal ko. Napa sabunot pa ako sa buhok ko!

tumawa si Kyla.

"Bakit hindi mo iblock?" natatawang tanong nya. Kasalukuyan na kaming naka pila para bumili ng pagkain.

"Pano ko iba-block eh ang ingay ingay! Nakaka distract yung mga pinag sasabi nya! Babe pa tawag sakin! Kung hindi babe ang tawag sakin eh baby!"Inis na sabi ko habang pumipili ng pagkain.

tinawanan nya lang ako.

"Ano ba pangalan? Pogi ba?" Tanong nya habang nag hahanap kami ng mauupuan.

Ano bang malay ko kung pogi yon! Naka cover mukha sa lahat ng picture sa facebook eh! Hehe nag stalk ako kanina.

"Adison Fifth K Corpuz." Sabi ko, umupo kami sa isang bakanteng lamesa. Nag umpisa na kaming kumain, nilapag ko lang sa lamesa ang cellphone ko at tinitigan yun habang kumakain.

Nang tumunog yun ay nag mamadali kong pinulot at binasa ang chat.

==

Adison Fifth
: babe bat hindi ka na nag reply?
: na hurt ako sa pag seen mo ah
: muntik na kitang iunlove
: buti nalang naalala ko na like mo ako hihi

==

Gigil akong nag tayp, nakikita ko sa gilid ng mata ko si Kyla na tumawa habang naka tingin sakin.

==

Alistrair Kendall
: Ang ingay mo!
: alam mo bang nahuli ako ng prof namin kanina ha
: madedetention lang naman ako ng dahil sayo!

Adison Fifth
: hala madedetention din ako
: nahuli din ako kanina babe eh
: binasa pa nga nung prof namin yung chat ko sayo huh
: buti nalang hindi nya binasa pangalan mo babe

Alistrair Kendall
: wala akong pake
: pwede ba wag mo akong tawagin na babe
: hindi tayo close

Adison Fifth
: hala eh friends tayo diba?

Alistrair Kendall
: sabi nino?

Adison Fifth
: ni facebook!
: kinilig nga ako kase friends na tayo eh hihi
: dun naman nag uumpisa lahat
: hi miss pwede makipag friends
: hi friend can we be lovers yihiee
: hi love will you marry me
: o diba! Dun din bagsak natin kaya wag mo na akong sungitan Ali huhu

==

Final Wave [Hexagon Series #1]Where stories live. Discover now