10th wave

125 6 1
                                    

Alistrair Kendall's POV

naka balik na kami sa school, kakarating lang namin at kakaupo ko lang ulit sa bleachers.

==

Adison Fifth
: *wave*

Alistrair Kendall
: may pa kaway kaway pa
: dami mo alam
: ano nanaman kailangan mo?

Adison Fifth
: Wala lang AHAHAHAHA
: nakita kita kanina
: sa mall
: may hawak kang mga kahon

Alistrair Kendall
: wtf?
: bat hindi mo ako nilapitan?

Adison Fifth
: may kasama ka eh hehe
: teka nga tutulong na ako dito samin.

==

Napailing nalang ako.

Buong araw kami nag handa para sa festival sa susunod na linggo

Malapit nang mag uwian, nang biglang nag kagulo.

"Inaatake nanaman sya!"
"Isugod nyo na sa hospital yan!"
"Wag nyong palibutan!"

Kunot noo kong pinanood ang mga studyante na mag kagulo, nakita ko ang dalawang lakaki na may akay na isang pang lalaki, nag mamadali sila palabas sa campus.

"Grabe."umupo si Kyla sa tabi ko. "Inatake nanaman si Yji."umilingbiling sya.

"Sino si Yji?"nag tatakang tanong ko, napalingon sya sakin na nanlalaki ang mata.

"si Keiji! Hindi mo kilala yon?"hindi makapaniwalang tanong nya. "Pogi yon, tsaka sya yung laging dinadala sa Hospital."

"Aaahh." Lang ang sinabi ko.

Ilang oras pa ang lumipas, gabi na at naka higa na ako sa kama, ready na nga akong matulog eh.

kaso hinde!

hindi nag chachat o nag rereply manlang si Fifth sa mga chat ko sakanya!

==

Alistrair Kendall
: hoy
: buhay ka pa ba
: hooyy
: naka uwi na ako skl hehe
: naka uwi ka na ba?
: aba
: may nangyari bang masama sayo?
: huyyy
: fifth naman eh
: bibigyan kita ng oras hanggang bukas ng hapon
: kapag hindi ka nag reply
: friendship over na tayo!
: naaalala mo yung sinabi ko last time diba?
: sige
: goodnight

==

nilapag ko sa side table ang cellphone ko, pumikit na ako at hindi namalayang naka tulog na ako.

..

"AAAAAAAAHHHH!" sigaw ko. "Nakakainis! Nakakainis!" Hinagis ko ang hawak kong paint brush.

"Hoy ano bang sinisigaw sigaw mo dyan." Sita ni Kyla. "may pahagis hagis ka pa ng paint brush, ano bang problema mo?" Inis na singhal nya, dinampot nya ang paint brush na hinagis ko.

"Hindi nag rereply si Fifth! Kahapon pa sya! Mag hahapon na! Kapag hindi sya nag reply---friendship over na kame!" Sigaw ko at napa sabunot sa buhok ko.

"Yun na yon?" Hindi maka paniwalang tanong ni Kyla. "Alam mo kung bakit ka ganyan??" Umiling ako.

Lumapit sya sakin at pinalo ng mahina sa ulo ko ang paint brush

"Kasi may gusto ka na sakanya!" Sigaw nya. "at hindi mo yun alam dahil indenial ka at tanga!" Sigaw nya pa sa mukha ko.

napa atras ako at napa kurap.

"Grabe ka naman sa tanga!"sigaw ko din at napa igtad sya. "Indenial lang! Walang tanga!"

napa kurap sya ng madaming beses.

Final Wave [Hexagon Series #1]Where stories live. Discover now