Alistrair Kendall's POV
nanlulumo kong nilapag sa lamesa ang cellphone ko, na syang kinuha naman ni Kyla para basahin ang chat namin.
"Wala nang pag asa yan tumino." Naka ngusong sabi ko. "kung ano ano pinag sasabi!"
Naka ngiting binasa lahat ni Kyla hanggang sa matapos sya at inabot sakin ang cellphone.
"Malay mo naman sya na ang forever mo!alam mo kase Kendall, Bawasan mo nga yang kasungitan mo kase! Kaya wala kang boyfriend eh." Natatawang sabi nya..
"Hindi ko kailangan ng boyfriend." Mapait na sabi ko, binalik ko ang tingin sa cellphone para mag reply kay fifth.
==
Alistrair Kendall
: hindi tayo babagsak dun.Adison Fifth
: okay
: bakit naman?! Huhu ayaw mo yon?
: o sige asawa na kita hihi.
: Mrs.Corpuz yieee
: joke lang.
: sige na kase mam huhu
: friends na tayo pleaasee
: babawasan ko kakulitan ko pag pumayag kang friends tayo hehe.
: sige na Ali please.Alistrair Kendall
: fine
: friend==
"Anong mukha yan?" Natatawang tanong ni Kyla kaya hinarap ko sakanya ang cellphone ko, at tumawa sya ng sobrang lakas! "Friends na kayo? Yieee dyan daw nag uumpisa ha! Ikaw ah." sinundot nya pa bewang ko para mang asar.
"Babawasan nya daw kakulitan nya eh." Kibit balikat na sabi ko.
tumawa lang si Kyla, bago pa sya makapag salita ay lumapit samin si Drew, Student Council Vice President sya ng school.
"Balita ko detention ka mamaya ah?" Tanong nya bago umupo sa harapan ko.
"Nahuli akong nag se-cellphone eh." Pag amin ko nalang.
"Hay nako, secretary ka pa naman ng school na to tapos madedetention ka." Natatawang sabi nya.
Nag kibit balikat nalang ako.
"May kailangan ka ba?" Tanong ko sakanya. "May hindi pa ba ako natatapos sa office?"
"Oo nga pala." Sabi nya bago tumayo. "Hindi mo pa nadidistribute yung mga ID na kinuha ni Pres, nacheck ko na yun sa log book, ibabalik nalang."
Tumango ako. "Sige wait lang, mauna ka na dun." Sabi ko at umalis na sya..
"Hindi ba mahirap maging secretary?" Tanong ni Kyla habang binabalik namin ang tray.
"Nakakapagod naman, pero masaya eh. Tsaka tinutulungan naman ako nila Pres pag hindi ko talaga kaya yung gagawin." sabi ko at nag pagpag ng kamay. "Mauna ka na sa classroom, may thirty minutes pa naman bago yung susunod na klase diba?"
Tumango lang sya at nag hiwalay na kami ng landas.
Habang nag lalakad ako papunta sa office ay nilabas ko ang cellphone ko.
==
Adison Fifth
: talaga babe?
: i mean Ali?
: payag ka nang friends tayo?
: sht kinilig ako hihiAlistrair Kendall
: Kendall nga ang itawag mo sakinAdison Fifth
: ayoko ng Kendall!
: yun tawag sayo ng lahat eh==
Kumunot ang noo ko, pano nya nalaman na yun ang tawag sakin ng lahat?
==
Adison Fifth
: i mean
: kase diba
: common na yung Kendall.
: kaya Ali naman hehe.
: ako lang ba tumatawag sayo nun?Alistrair Kendall
: oo.
: Kendall tawag sakin ng lahat
: bakit ba kase ayaw mong Kendall nalang?
: hindi ako sanay sa AliAdison Fifth
: edi masanay ka na
: dahil yun na lagi ang itatawag ko sayo
: at hindi na kita titigilan==
YOU ARE READING
Final Wave [Hexagon Series #1]
Roman pour Adolescents[Hexagon Series #1] "Goodbye, I love you one last time.."