13th wave

108 4 0
                                    

Alistrair Kendall's POV

after 3 days

Hindi nanaman sya nag chachat.

==

Alistrair Kendall
: huyyy
: mag chat ka namaaan
: nasasanay na ako na hindi ka nag chachat
: bahala ka dyaaan

==

Naka halumbaba ako sa armchair ko. Naka civilian kami ngayon, hindi ko maalala kung bakit. Basta may event ngayon.

"KENDAAAALLL!!"

umayos ako ng upo at napa tingin kay Kyla na naka tayo sa pintuan ng classroom namin.. Lumapit sya sakin.

"GAGA KA KALAHATI NG BUHAY MO ANG NAMIMISS MO NGAYON!" malakas na sigaw nya sa mukha ko.

"Ano? Bakit nanaman ba?" Tanong ko.

"Sec! Pinapatawag ka ni Pres! Icheck mo daw kung kumpleto na ang mga studyante sa bawat bus!"

Nanlaki ang mata ko sa sigaw ni Lara. Omg. Yun pala yon!

Tumayo agad ako at tumakbo palabas ng school.

"Pres! Sorry im late! Traffic sa eroplano!" Sumaludo ako kay Scott nang makita ko sya.

"Broken ka lang eh."pang aasar pa nya kaya nameywang ako. "Icheck mo nga dun sa bus number 6, 48 dapat sila dun."

"Yes boss!"sabi ko at tumakbo papunta sa bus 6.

Naalala ko na, pupunta pala kami sa ibang school. Festival nila hehe. Kami naman dadalo.

"Yoowwwnn!"

"Hi Sec!"

"ganda naman Kendall!"

Yung grupo nung Keiji, Hexagon.

"Hoy ang iingay nyo!" Sigaw ni Yji.

"Sus! Keiji oh! Crush mo si Sec diba?" Pang aasar ni Cooper.

"Ayiiieeee."gatong ni Tripp.

"Nakanaman! Dalaga na si Yji!" Sigaw ni Casper.

"Ang ingay."reklamo ni Jaiden.

Nag tawanan ang buong klase nila.

"teka nga, head count, galing dito hanggang dun."tinuro ko kung saan mag uumpisa.

at nag umpisa silang mag bilang, kaso ang gulo! ginugulo ng grupo ni Yji! Parang hindi nila magets yung sunod sunod.

"Saan ba papunta to?"natatawang sabi ko at kumamot sa sentido ko.

"Sa puso mo."sagot ni Yji at nag kantyawan naman sila, tinulak tulak pa ni Cooper si Yji na tawa nang tawa.

"Seryoso na kasi, bilis na."sabi ko.

Inayos naman nila ang pag bibilang nila.

"Oh 18 ako! Dapat sa debut mo ako 18 roses mo!" Natatawang announce ni Yji.

"Ikaw na lahat sa roses pre! Ikaw na din sa candles!" Sabi ni Tyron.

"Ikaw na din mag debut pre! Isayaw mo sarili mo tapos mag break dance ka sa gitna!" Sabi ni Cooper at nag tawanan nanaman sila!

Napa iling nalang ako sa kaingayan nila.

"Kendall halika na! sa kabilang bus naman mag bilang!"narinig kong sigaw ni Drew mula sa labas.

Kaya nag paalam na ako at lumabas dun.. Bago pa ako tuluyang makababa ay tinawag ako ni Jaiden.

Lumingon ako sakanila at naka heart sign silang lahat! Ibat ibang heart! Tinawanan ko lang sila at iniwan na dun.

"Samahan mo lang ako."sabi ni Drew, pumasok kami sa isa pang bus at nag pa head count.

Nang masiguro namin na kumpleto sila ay sumakay na din kami sa kanya kanya naming bus.

Umupo ako sa tabi ni Kyla.

"Ang gulo nila Tripp."natatawang sabi ko sakanya.

"Close na kayo? Grabe kinapalan ko nga lang mukha kong lumapit dun para ipakilala ka eh."sabi ni Kyla

Hindi na ako sumagot.

Medyo malayo yung school na pupuntahan namin eh, mga thirty minutes ride.

napa kurap ako nang mag pop up ang chat heads namin ni Fifth!

==

Adison Fifth
: you want my heart?

==

Kumurap kurap ulit ako para siguraduhin na hindi ako namamalikmata na nag chat sya.

Final Wave [Hexagon Series #1]Where stories live. Discover now