Alistrair Kendall's POV
==
Alistrair Kendall
: pwede?Adison Fifth
: pwede.
: pero bawal mong tanggalin yung mask na suot koAlistrair Kendall
: bakit?Adison Fifth
: just promise me you won't.Alistrair Kendall
: Fine.Adison Fifth
: turn around==
My lips pursed.
I stood up and turned around.
A man wearing a black mask(yung para lang sa bibig).
tinago nya ang hawak nyang cellphone bago binuka ang mga braso nya. Welcoming me for an embrace.
Ngumisi ako at tumakbo palapit sakanya para lumapit.
"Fifth!" Masayang sabi ko at hinigpitan ang pag yakap sakanya.
I heard him chuckle.
"Ali..."mahinang sabi nya habang naka yakap sakin, he kissed my forehead.
Humiwalay ako at tinulak sya ng mahina.
"Akala mo nakalimutan ko na nung tinakbuhan mo ako?" Inis na sabi ko sakanya..
napa tingala naman sya at tumawa bago tumingin ulit sakin.
"Kumain ka na diba?" Tanong nya
Natigilan ako, pamilyar yung boses nya.
"Libutin natin yung mga booths."sabi ni Fifth at nilahad ang kamay nya sakin.
Ngumiti ako. "Sige." Humawak ako sa kamay nya.
Habang nag lilibot kami ay wala namang masyadong nakakapansin samin, except nalang dun sa mga nakakakilala sakin.
"Kendall!"
Napa tingin kami kay Drew.
Humigpit ang hawak ni Fifth, napa ngiti ako.
"bakit Drew?" Tanong ko.
"Wala wala. May date ka pala, mamayang uwian nalang. Tch yayayain sana kita kumain eh."sabi ni Drew bago natawa. "Ciao!"
nang mawala sya ay humarap ako kay Fifth.
"Ano?"natatawang tanong ko dahil naka kunot ang noo nya.
"sobrang close ba kayo non? Bakit ka yayayain kumain?" Masungit na sabi nya.
natawa ako, nag seselos sya? Ang cute.
"Kaibigan ko yun."sabi ko. "Nag seselos ka? Bagay sayo hehe ang cute mo."
"Hindu ako nag seselos."sabi nya."at hindi ako cute, pogi ako."nag hehe pa sya
"Tara na nga."yaya ko sakanya.
Naubos ang oras namin kakalaro at kain.
"All students from Carsuvere University, please proceed at the campus entrance. I repeat, students from Carsuvere University please peoceed at the campus entrance, thank you."
sumimangot ako sa announcement.
hindi ako nag reklamo nang hatakin nya ako papunta sa isang hallway na walang tao.
"Time to go."mahinang sabi nya.
Mag kaharap lang kami, naka sandal ako sa pader at naka tayo sya sa harapan ko.
"Close your eyes."Utos nya.
tumitig muna ako sa mata nya, bago ako dahan dahang pumikit.
Dumiin ang pag pikit ko nang lumapat ang labi nya sa labi ko, kasabay nun ang pag tulo ng luha ko.
his lips moved, i responded.
hindi nya tinakpan ang mata ko, kaya dinilat ko ang mata ko, only to find out na naka titig sya sakin.
Yung mata nyang parang naka ngiti.
dahan dahang pumikit ang mata nya at mas lalong dumiin ang pag halik sakin kaya napa pikit nalang din ako.
humiwalay sya ng konti para yumakap sakin.
his arms moved behind me, siguro binabalik nya na yung mask.
dumilat ako nang humiwalay sya.. nanatiling naka hawak sa kamay ko ang mga kamay nya.
"Don't cry."mahinang sabi nya.. "I love you, please stop crying."
ngumiti lang ako ngunit patuloy ang pag agos ng mga luha ko.
"We'll see each other again, i promise."sabi nya, tinaas nya ang isa nyang kamay para itaas ng konti ang mask, ilong nalang nya ang natatakpan.
Muling lumapat ang labi nya sa labi ko.. dampi lang yun.
Inayos nya na ang mask.
"Go."sabi nya at minuwestra ang palabas sa hallway. "Mauna ka na."
i bit my lip.
dahan dahan akong nag lakad palayo sakanya, nag bitaw kami ng kamay kaya napapikit ako ng mariin.
napa tigil ako sa pag lalakad.
Humarap ako sakanya, mabilis akong nag lakad palapit.
tinakpan ko ang dalawa nyang mata gamit ang isa kong kamay, ang isa ko pang kamay ay hinatak ang mask nya para matanggal ito, tsaka ko sya hinatak pababa.
hinalikan ko sya.
"I love you."sabi ko habang naka pikit. Inabot ko ang kamay nya at nilagay dun ang mask, tumalikod ako at dumilat, tsaka ako tumakbo paalis.
______________________________________________________
YOU ARE READING
Final Wave [Hexagon Series #1]
Teen Fiction[Hexagon Series #1] "Goodbye, I love you one last time.."