5th wave

152 5 0
                                    

Alistrair Kendall's POV

"Ops. Andun yung mga id." Tinuro ni Jen ang kahon na nakapatong sa lamesa sa gitna.

Treasurer si Jen. Share ko lang naman.

Nilapitan ko yun at binasa ang ilan sa mga id dun.

"Ka building ko yung iba. Madali lang to." Sabi ko bago binalik sa box ang mga id. Binuhat ko yun at nag patulong na buksan ang pinto ng Office.

"Kendall balita ko detention ka mamaya ah." Chika pa ni Jen bago ako tuluyang makalabas sa office.

"Nahuli akong nag se-cellphone eh. Una na ako ah." Paalam ko bago ko sya iniwan dun at bumalik sa building namin.

Nilapag ko sa lamesa ang box. May lamesa kasi sa labas ng mga classroom sa hallway namin. Tinignan ko ulit ang mga id.

Yung ibang id ay naka tali na sa mga kaparehong section kaya madali ko lang napamigay yun, kaso may ibang hindi at nag halo halo lang--na ang mga may ari ay sa kabilang building pa.

Nilakad ko na papunta sa katapat na building, kailangan ko pang tumawid sa field para lang makarating sa kabila. nilapag ko ulit sa lamesa sa gitna ng hallway nila ang kahon at iniwan yun doon para tawagin ang mga president ng mga classroom dun.

"Jaira Alcazar." Basa ko dun sa isa. Konti nalang ang natitira, mga lima nalang. "Kenna Mae" basa ko pa. Inabot ko yun sa president na nag sabing nasa klase nila yun. Jusko tatlo nalang.

Tinaas ko ang isa at babasahin palang sana ang pangalan nang tumunog na ang bell.

"Hala oh, patingin nalang nung mga pangalan nila. Kailangan ko nang bumalik eh, anlayo pa ng lalakarin ko." Inabot ko sakanila ang tatlong id.

"Sige Kendall. Balik ka na, kami na bahala dito."sabi pa nung isa.

Binitbit ko ang kahon na walang laman bago ako tumakbo pabalik sa building namin, nang umabot ako sa hallway namin ay tsaka ako umayos ng lakad, bat ba kase anlayo ng classroom nila? Eh mag kabatch lang naman kame.

"Good morning miss." Bati ko pag pasok ko sa classroom, hanep ang aga ata ni Miss Leyt. "Sorry im late." Nag snort pa mga kaklase ko, yun kasi yung sinabi ko kanina.

"Kendall why are you late?"tanong ni miss nang maka upo ako sa pwesto ko.

"May inutos po sakin si pres."pinakita ko ang kahon kaya tumango sya at hindi na ako pinansin.

-

Buong araw na akong hindi chinat ni Fifth, at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

"Ano nanamang mukha yan Kendall?"natatawang tanong ni Kyla habang nag lalakad kami palabas sa campus. "Ay may chika ako." Lumapit sya sakin.

Hinintay nya kase ako sa detention kanina. Buti maaga ako pinalabas.

"Bakit mo ba ibubulong? Alam naman ng lahat na chika yan eh." Singhal ko at pinalayo sya.

Ngumuso sya. "May sinugod sa hospital kanina na kabatch naten."pag kwento nya pa.

"Oh tapos?"

Eh wala naman akong kinalaman dun sa sinugod sa hospital en! Anong magagawa ko diba?

"Wala lang, ano nga ulit pangalan nung kachat mo?" Tanong nya.

"Adison Fifth K Corpuz."ulit ko. Nilingon ko sya, "baket?"

"Pamilyar lang eh. Parang narinig ko na na hinde." Tumawa sya pag kasabi nya non. "Ano nang balita? Kinukulit ka padin?"

"Hindi na nag chachat, malay mo narealize nya na ayaw ko talaga syang kachat."nag kibit balikat ako, nakatayo na kami sa labas ng gate at hinihintay ko nalang na dumating yung kuya nya na susundo sakanya.

"Ayaw daw kachat pero buong araw nakabantay sa cellphone."pang aasar nya. "Crush mo no?"

"Hah! Ambastos ng bunganga mo Kyla ha, pano ko magiging crush yon eh maingay!"singhal ko.

"Ang harsh mo ah, diba yon type mo? Maiingay! Tsaka hmp hindi yon tumigil, malay mo tinamad lang."sabi nya bago humarap sakin at nag cross arms. "Pwede ba Alistrair Kendall, bawasan mo yang pag kamataray mo. Hindi ka maapproach ng ibang gustong makipag kaibigan sayo kase ang sungit sungit mong tignan! Ang taray pa ng mukha!"

"Edi lumapit sila saken! Hindi ko naman sila iirapan ng iirapan, tsaka mukha lang akong mataray pero hindi! Well medyo slight hehe, pero hindi naman ako snobber eh."ngumuso pa ako.

"Whatever. Andyan na si kuya. Babyeee."kumaway sya sakin bago ako tinalikuran. Lumingon pa muna ulit sya. "Crush mo na yun! Ayaw mo lang umamin!"

Napa iling nalang ako, ang kulit.

Final Wave [Hexagon Series #1]Where stories live. Discover now