Alistrair Kendall's POV
==
Adison Fifth
: joke lang
: AHAHAHAHAHAHA
: naniwala ka naman agadAlistrair Kendall
: nakakabwiset kaAdison Fifth
: AHAHAHAHAHA
: Alam mo kase
: wag ka maniniwala agad sa mga poging katulad koAlistrair Kendall
: eh pano mo nalaman haAdison Fifth
: ang mga poging katulad ko
: malalakas ang instinct!==
Napa irap ako, ang taas ng tingin neto sa sarili nya.
=
Alistrair Kendall
: sarap mong kutusan
: wag ka papakita saken
: ipapalapa kita sa mga kaklase koAdison Fifth
: AHAHAHAHAHAHAHA
: okay lang
: masarap naman ako eh
: titikman mo din ba ako?==
Hindi ko na nareplayan ang mga pinag sasabi nya dahil may tumawag sakin.
"Kendall!"sigaw ni Scott, sinenyasan nya akong lumapit kaya tumayo na ako at nilapitan sya.
"Baket?"tanong ko nang makalapit ako.
"Samanan mo ako, bibili ng poster paint. Kulang na yung sa gagamitin ng mga nag aayos para sa entrance."napamamot sya sa ulo.
Tumango nalang ako at nag lakad na kami papunta sa parking.
"Dala mo ba yung pera? Nakuha mo ba kay Jen?"tanong ko nang makasakay ako sa kotse nya
Pinakita nya sakin ang isang envelope na maliit.
Tumango tango nalang ako.
"Bakit tayo ang bibili?"tanong ko, naalala ko, pwede naman lumabas ng school ang mga studyante don kase preperation for the festival pa nga.
"Busy lahat."kibit balikat na sabi nya. "Tayo lang ang walang ginagawa don, kase tayo yung pinag libot." Dagdag nya.
Tumango tango ako.
Hindi naman kami mapag kakamalang nag ka-cutting kase naka civilian naman kami.
Ilang minuto pa ay nasa mall na kami.
Nag text si Drew kanina at sinabing bumili na din ng pintura kung mauubos man yung poster paint sa national. Andami nya pang dinagdag na pinabili.
"Ano bang ginagawa ni Drew don? Bat hindi sya ang sumama?"tanong ko, nag lalagay ako ng poster paint sa cart ngayon.
"Nag checheck si Drew ng mga stand."sagot nya habang nag lalagay ng poster paint. Tumigil sya saglit at namewang na humarap sakin. "Sabihin mo lang kung ayaw mo akong kasama."
"Ay hindi po pres."sabi ko nalang at tumawa sya.
Mag tu-thirty minutes kami dun, nag pakuha pa si Scott ng kahon kahon na poster paint sa stock room ng National, literal na kinuha nya lahat.
Kasalukuyan na nag babayad si Scott, mayaman ang mga tao sa school kaya andaming nag ambag ng sobra na pera para dun, 500 isa lang dapat isang tao, kaso andaming nag dagdag ng ambag kaya walang problema sa mga binibili.
"Hindi na tayo bibili ng pintura, andami na neto." Sabi ni Scott habang naka pameywang sa harap ng patong patong na kahon.
"Patulong na tayo."suggest ko dahil hindi namin yung mabubuhat lahat, kung babalik balikan namin ay mapapagod lang kami dahil andami neto.
Nag tawag sya ng staff sa national na may dala nung basta yun na trolley. May ibang natira samin.
"Mabubuhat na natin to, kaya mo ba?"tanong sakin ni Scott. "Balikan nalang kita dito, bantayan mo to.." sabi nya at umalis na kasama yung staff.
Tumingin ako sa mga kahon.
"Iniwan pa ako."mahinang sabi ko bago ko binuhat ang isa. May dalawa pa sa lapag,
Ngumiwi ako at binuhat ng sabay sabay ang tatlo.
Medyo mabigat, medyo lang naman.
Nag lakad na ako papunta sa parking. May mga nabubunggo ako dahil nahaharangan ng kahon ang paningin ko pero keri naman.
Hanggang sa muntii nang bumagsak ng tuluyan ang mga buhat ko, buti nalang may humawak nun at inayos sa pag kakalagay sa kamay ko.
Sumilip ako, naka mask sya.
Bago pa ako makapag salita ay dumating si Scott.
"Kendall.. ang kulit mo sabi ko nang babalikan kita dun eh." Kinuha ni Scott sakin ang mga kahon kaya wala na akong hawak. "Pre salamat." Sabi nya dun sa naka mask.
Tinanguan sya nung lakaki bago tumingin sakin, ilang segundo syang nakipag titigan bago umiwas at tumalikod, tsaka nag lakad palayo.
"Kuyang naka mask! Salamat!"pahabol na sigaw ko.
Naka talikod nyang tinaas ang kamay at..
kinawayan lang ako.
YOU ARE READING
Final Wave [Hexagon Series #1]
أدب المراهقين[Hexagon Series #1] "Goodbye, I love you one last time.."