7th wave

121 5 0
                                    

Alistrair Kendall's POV

One week na kaming mag kachat ni Fifth.. naging kaclose ko sya ng sobra.

Ilang beses na din akong na dedetention dahil sakanya, at nadedetention din daw sya dahil sakin! Marami akong nalaman tungkol sakanya. Except sa school, tirahan at mukha nya.

"Masaya ba sa detention Kendall?" Natatawang tanong ni Scott, SC president.

"Hindi naman, baket?" Tanong ko.

Uwian na namin, kakalabas ko lang sa detention, half day kami kaya maaga ang pasok ko sa detention, maaga din ang labas ko dun.

Nakasalubong ko ang mga SC dahil may ginawa pa sila sa office na dapat ay kasama ako kaso na detention nga ako.

"Ngayon lang ako nakakita ng kakalabas lang sa detention na masaya pa." Natatawang sabi ni Scott.

"Sus. Kachat lang nyan yung crush nya."pang aasar ni Drew.

"Hindi ah! Friend ko yon, hindi crush." Natatawang sabi ko.

"Ay taray tumatawa na si ate gurl." Sabi ni Jen at nag apir sila ni Lara. "Grabe ang epekto sayo nung kachat mo ah?"

Tinawanan ko lang sila.

"Ano nga palang ginawa nyo?"tanong ko nang maalala na may meeting pala kanina.

"Malapit na kasi yung school festival. Wala naman, yun lang pinag usapan namin." Sabi ni Lara.

"Hmm, sige una na ako."paalam ko nang makalabas sa campus.

Kumaway lang ako sakanila at tumakbo na palayo.

Nilalakad ko lang papunta sa subdivision namin eh.

Nilabas ko ang cellphone ko at inopen ang convo namin ni Fifth

==

Adison Fifth
: nakauwi ka na ba?
: ay hindi pa pala
: kakalabas mo lang sa detention?
: kakalabas ko lang din ng detention hehe
: alam mo dapat mo nang pag aralan ang mga paraan ng pag tago ng cellphone sa klase
: lagi ka nalang nahuhuli.
: AHAHAHAHA

Alistrair Kendall
: ang kapal mo ah
: isa ka pang lagi nahuhuli eh!
: bat hindi ikaw mag aral non AHAHAHAHA

Adison Fifth
: nakauwi ka na ba?
: kung hindi pa
: edi nag lalakad ka palang pauwi?
: hay nako!
: itago mo nga muna cellphone mo!
: baka maagawa ka pa

==

Pano nya nalaman na nag lalakad ako? Luminga ako, wala naman akong ibang kasabay, bukod sa mga kaschoolmates ko, isang grupo sila at pareparehong maiingay.

==

Alistrair Kendall
: nakauwi ka na ba?

Adison Fifth
: hindi pa hehe
: nag lalakad pa ako pauwi hehe

Alistrair Kendall
: eh isa ka pa pala eh!
: itago mo na nga yan!
: mamaya na tayo mag chat!

Adison Fifth
: eh okay lang sakin mag chat
: madami naman akong kasabay eh.
: eh ikaw? Mag isa ka diba?

==

Kumunot ang noo ko bago nilingon ang isang grupo ng mga kabatch ko, hindi ko sila kilala pero nakikita ko sila sa building.

==

Alistrair Kendall
: pano mo nalaman na mag isa ako?
: nasan ka ba talaga ha

Adison Fifth
: pano eh binanggit mo kaya sakin na mag isa ka umuuwi

Alistrair Kendall
: eh pano mo nalaman na nag lalakad ako?

Adison Fifth
: Diba malapit lang subdivision nyo sa school naten?
: mo*
: typo
: ano ba yan auto correct

Alistrair Kendall
: ay ganun.
: sige, babai na.

==

Weird.

Final Wave [Hexagon Series #1]Where stories live. Discover now