final wave

180 9 3
                                    

for my love, Ali.

Hi bebe koooo hihi, sigurado akong pag nabasa mo to ay tulog na ako at hindi na magigising.. gusto ko lang ikwento sayo kung pano kita nakilala hehe.

nakita kita nung isang beses na nag audition ka sa supreme crew, galing mong sumayaw. Tapos napanuod ko din yung audition mo sa nightingales, ang ganda ng boses mo babe.. Naalala ko pa non, nag ka eye contact tayo habang kumakanta ka, nasakto pa sa lyrics na 'i love you' hihi.. Na love at first eye contact ako babe hihi.. Tapos simula non, lagi na kita pinapanood sa lahat ng sinasalihan mo, inaabangan kita sa pag pasok mo sa gate ng campus, hinihintay kita sa canteen kahit hindi tayo sa sabay kumakain sa iisang lamesa, tapos babe naaalala mo yung mga chocolate sa locker at upuan mo? Sakin galing yun hehe, sabi sakin ni Jaiden mahilig daw ka sa galaxy kaya binigyan kita, dalawang taon akong ganun. Natatakot akong umamin sayo kasi baka ireject mo ako, sana pala umamin nalang agad ako.

And then i found a way to talk you, chinat kita gamit ang first and second name ko. Since kilala ako sa school bilang Keiji, at walang ibang nakakaalam ng iba kong pangalan.

I waved at you, kinulit kita, nainis ka, hindi kita tinigilan, naging mag kaibigan tayo, naging mag bestfriend, nawala ako, nakita kita sa mall, naging sobrang close tayo, nawala ako, nag pakita ako sayo sa araw ng festival ng school, nag i love you ako, umiyak ka, umiyak ako, ilang araw akong nawala, nag chat ulit ako, nawala nanaman ako, naging girlfriend kita, nag date tayo ng dalawang beses, kinabukasan..

Nag papasalamat talaga ako kay Kyla dahil lumakas ang loob nya na lumapit samin para ipakilala ka, dahil dun ay naging close tayo sa personal, sa tuwing titignan kita ay bumibilis ang tibok ng puso ko, gusto kitang yakapin at halikan tapos sasabihin kong ako si Fifth, pero hindi ko magawa, dahil alam kong malapit na ang oras ko.

Wala sana akong balak na sabihin sayo na iisa lang kami ni Fifth at Keiji, ngunit subalit dapatwat mahal kita, hindi ko mapipigilan. Mag papakilala ako sayo mamaya.

Ali, thank you sa pag mamahal na binigay mo sakin sa sobrang ikling panahon.

Ali, sorry kung hindi ko matutupad ang pangako ko sayo.

Ali, mamimiss kita.

Ali, I love you.

Ali, for the last time.. *wave*

I waved at you

Thank you, Sorry, I'll miss you,
I love you and Goodbye.

Adison Fifth Keiji Corpuz.







______

T H E  E N D

Final Wave [Hexagon Series #1]Where stories live. Discover now