Alistrair Kendall's POV
Tatlong araw na ang lumipas na hindi ako chinchat ni Fifth.
Ang boring.
"Bakit hindi ka nag lalaro? PE nga tayo ngayon tapos hindi ka pa nag lalaro."umupo sa tabi ko si Kyla at uminom ng tubig.
Friday ngayon, naka pe lahat dahil halos puro vacant lang ang buong batch namin dahil friday ang piniling free day, mga president ng bawat klase pumili. Kaya ayon, nasaktong PE din namin pag friday kaya kung ano ano pinag lalaro ng mga kaklase ko, nasa field kami.
"Ah alam ko na kung bakit ka ganyan."nag snapng daliri sa harapan ng mukha ko. "Na dedepress ka sa hindi pag chat ni fifth no?!"akusa nya.
Hindi ako sumagot. Bakit nga ba?
"Tama ako no?"nakangiting sabi nya. "Grabe Kendall! Eh halos wala pang kalahating araw na nag chat kayo tapos nasanay ka na at naganyan pa nang dahil lang sa hindi sya nag chat ng tatlo at kalahating araw? Wow very new ha! I love it!"tuwang sabi nya at pumalakpak pa.
"Bumalik ka na nga dun!"tinulak ko sya patayo. "Ginugulo mo utak ko! Shupe!" Pag bugaw ko at nag heart sign lang sya sakin bago bumalik sa mga kalaro nya ng volleyball.
Natapos ang pang umagang mga vacant namin at lunch na ngayon.
"bat ganyan mukha mo Kendall?"natatawang tanong ni Drew nang lumapit sa lamesa namin ni Kyla. Kasama nya si Jen at si Lara, yung Auditor namin,.
"Pano eh nadepress dun sa crush ny---ARAY!"sigaw ni Kyla nang tapakan ko ang paa nya sa ilalim ng lamesa. "Friend nga! Nadepress dun sa friend nya na hindi sya chinat ng tatlong araw!"
"Wow. Nadepress ka na dun? Gano ba kayo kaclose nung friend mo?"tanong ni Lara.
"Wala pang kalahating araw nya yun nakachat!"sabi ni Kyla. "Oh diba nagulat din kayo! Hayaan nyo na! Para sa better future ng SC secretary na walang lovelife kahit aso!" Tumawa si Kyla.
Inirapan ko nalang sya at nag usap usap pa sila dun.
Bumalik na kami sa room nang matapos ang lunch, kasalukuyan na kaming nasa klase at nakatitig lang ako sa cellphone ko.
Ilang minuto akong tumunganga habang naka titig sa cellphone ko. Hanggang sa mag vibrate yun at nag open ang notif sa messenger kaya dali dali kong binuksan yun.
Si Fifth!
==
Adison Fifth
: Ali!!
: namiss kita huhu
: namiss mo ba ako?
: ako miss na miss kita huhu!Alistrair Kendall
: buti naman naisipan mo pang mag chat
: akala ko suko ka na eh
: san ka ba galing ha
: antagal kong nag hintay sa mga chat mo!
: sana hindi ka na ulit nag chat!Adison Fifth
: teka nga
: naguluhan ako
: hinintay mo chat ko?
: tapos sana hindi na ako nag chat?
: hihi kinilig ako dun sa pag hihintay mo Ali ha.
: tsaka no way
: never akong susuko!Seen
==
Inis kong nilapag sa lamesa ang cellphone ko, napalingon pa sakin si Kyla na sumulyap din sa cellphone ko bago ngumiti.
==
Adison Fifth
: hala galit ka ba?
: bakit mo ako siniseen
: aliiii
: wag mo ako iseen please
: masakit sa puso huhu
: uy sorry na
: mag chachat na ako lagi
: hindi na ako titigil sa pag chat sayo pramisAlistrair Kendall
: pag tumigil ka anong gagawin ko?Adison Fifth
: iunfriend mo ako
: basta wag mo ako ia-unlike
: AHAHAHHAHAHA
: unfriend lang ha
: hindi unlikeAlistrair Kendall
: nakakatuwa yon?
: pag sinukuan mo ako sa pag chat mo
: iuunfriend kita
: iba-block
: at ia-unlikeAdison Fifth
: huh?
: hindi kita susukuan
: kahit anong mangyare==
YOU ARE READING
Final Wave [Hexagon Series #1]
Teen Fiction[Hexagon Series #1] "Goodbye, I love you one last time.."