Akin lang
Maeco Tachibana's POV
Tatakbo akong pumunta sa Baseball practice ng Seidou. Naabutan kong nagsisimula na sila sa practice kaya pumunta kaagad ako kay Coach Kataoka.
"Coach, Gomennasai! Late po ako, sorry!" paghingi ko agad ng tawad habang naka-bow.
"O sige. Rei, ipakilala mo siya sa ibang manager" utos ni coach kay Ate Rei.
"Yes, coach" sagot nito bago ako pinasunod sa kanya. Nakarating kami sa isang basement. Nag-aayos silang mga managers ng mga gamit.
Uy, si Ate Takako 'yon ah.
"Miss Takako!" masaya kong tawag sabay kaway ng aking kamay dito. Lumingon naman ito sa aking dako.
"Oy, Miss Tachibana" masaya niyang bati.
"Lahat ng manager, ipinakikilala ko si Maeco Tachibana. Simula ngayon ay isa na siya sa inyo! Maging mabait kayo sa kanya at ituring niyo siyang kapamilya" masayang sabi ni Ate Rei.
"Hajimemashite, Maeco!" masaya nilang pagwelcome sa'kin. Napangiti ako bago magsalita.
"Hajimemashite! Arigatou" masaya ko ring pagtugon.
"Pa'no? Kailangan ko nang bumalik sa Baseball practice ng team. Sumunod kayo do'n at pakidala ang mga bat at bola na malinis" pagpapaalam ni Ate Rei. Tumango kami bilang sagot. Pagkaalis ni Ate Rei ay nagpakilala sila sa'kin ng isa isa.
"Haruno, Yoshikawa! Hajimemashite!" masayang bati niya sa akin.
"Nice to meet you too, Ate Yoshikawa. Di'ba ikaw 'yung may gusto kay Ajhun?" diretsa kong tanong atsaka ngumiti sa kanya. Nahiya siya at namula. Kumpirmado! Ngi!
"Ano ba ang sinasabi mo?! Hindi totoo 'yon! Atsaka 'wag mo na kong tawaging Ate, mas matanda ka naman sa'kin eh" pag-iiba niya ng topic.
"HAHAHA. Ganon? Eh, di'ba mga señior ko kayo kasi matagal na kayo dito, kaya dapat ko kayong tawaging Ate" nakangiti kong sambit.
"Hindi, okay lang!!" pagpipilit niya. Magsasalita pa dapat ako nang magsalita ang isang babaeng maikli ang buhok.
"Ako nga pala si Yui Natsukawa" masaya niyang bati sa akin.
"Hajimemashite, Ate Yui" magalang kong sagot.
"Sachiko Umemoto nga pala" nakangiting pagpapakilala nung isa. Tumango ako at nagsalita.
"Hajimemashite!" tanging sagot ko. Tinapik ako sa balikat ni Ate Takako.
"At, syempre kilala mo na ako. Ako si Fujiwara Takako" masaya niyang bati. Tumango ako sa kanila.
"Mag-umpisa na tayong magtrabaho" masayang panimula ni Ate Takako. Nagsimula kaming maglinis ng mga bat. Sobrang nakakapagod naman. Nakakailan pa lang ako eh pero ginusto ko naman ito.
"Maeco, bakit ampula ng mga mata mo? Umiyak ka ba?" pagbasag sa katahimikan ni Ate Takako. Shemmay. Nakalimutan kong umiyak nga pala ako.
"Ah... eh... hindi naman sa gano'n" nahihiyang sabi ko at nagtakip ng mukha dahil sa kahihiyan.
"HAHAHA. Okay" tanging sagot niya habang tumatawa. Mga isang oras din ang lumipas bago kami natapos sa aming ginagawa.
"Halina kayo't dalhin na natin ang mga 'to sa kanila" utos ni Ate Takako. Siya ang pinaka-ate naming lahat dito kaya kadalasang siya rin ang nangunguna at nagbibigay utos sa amin.
BINABASA MO ANG
I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]
Fanfiction[TAGLISH] This story is about a girl who used to be a fan girl especially Anime. What if she can enter the world of her love ---an anime character named Miyuki Kazuya? What if she's given a chance to meet him? Do you want to take the risk and go loo...