Chapter Twenty-five

25 3 0
                                    

Proposal
M

aeco Tachibana's POV

Mag-iisang taon na ang relasyon namin ni Timothy. Nakapagtravel na rin kami kung saan saan. Nakarating kami sa Iceland noong 1st monthsarry namin. Nung 2nd, sa Venezuela. Tapos sa Korea, sa China, Maldives, Hawaii, Ireland, Autralia, Canada, at nandito kami ngayon sa Paris.

"Hoy Mae Ko! Tara na!" sigaw sa'kin ni Timothy. 'Wag kayong ano. 'Di kami nag-aaway. Ganyan lang talaga kami maglambingan.

"Saan ba tayo pupunta?!" sigaw ko pabalik habang isinusuot ang sapatos ko.

"Secret" Aba't ogag 'ata ituh. Nagtataka rin ako na naging syota ko 'yan eh. Tumayo na ako at pumunta sa kanya.

"Tara na" excited na pag-aaya ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako.

"Okay. Be ready. I have a surprise" saad niya na ikinangiti ko na lang.

"Okie. Okie" sagot ko at lumabas kami ng hotel at sumakay sa isang sikat na lickety-split limousine.

"Ang yaman ah" puri ko sa kanya. Kinindatan niya lang ako na bahagyang ikinatawa ko.

"Ako pa ba" pagmamayabang niya. Such a boastful man! Maya maya pa ay nakarating kami sa Louvre. Bumaba kami. Pinagbuksan niya syempre ako ng pinto at inalalayan. Yieee. Kunwari sweet. Charrot. Pumasok kami dun at nakakita ng maraming epic art collections. Sobrang gaganda naman ng mga ito. Siguro nakailang beses kaming tumingin ng mga artworks do'n hanggang sa magutom na ako. Sumunod na pumunta kami sa isang cafe dito. Nagsnack muna kami bago tumuloy sa pamamasyal. Pumunta kaming river Seine at kaming dalawa ang nagsagwan do'n. Inenjoy lang namin lahat. Hanggang hapon ay nandoon lang kami sa beach habang hinihintay ang paglubog ng araw.

"It's very beautiful" puri ko.

"Yeah. But not as beautiful as you" napalingon ako sa kanya noong binulunga niya ako.

"Where's your surprise?" tanong ko.

"When we go home you'll see" hindi ako nakuntento sa sagot niya.

"I thought magpopropose ka sa'kin. Di'ba mas maganda kung dito sa Paris–the city of romance ka magpopropose?" nagulat siya sa sinabi ko.

"How did you know?" nagtatakang tanong niya.

"Tss. Nung gabi natin sa hotel. Akala mo tulog ako pero gising ako no'n. Sinukatan mo pa nga ang palasinsingan ko eh. Tapos may pabulong bulong ka pa diyang, 'soon, you'll be Mrs. Hans'. Oh ano?" diretsa kong sagot. Napakamot siya ng ulo.

"Wala na. Sira na. 'Di na 'yon surprise" napairap ako sa sagot niya.

"So? Bakit ayaw mo pang magpropose? Magyeyes naman ako sa'yo ah" pagbabalik ko sa topic. He leaned closer to me and kissed my cheek.

"Because I want to do it under the blooming sakura flowers in our home" kinilig naman ako sa sinabi niya. Nag-iinit kasi ang pisngi ko eh. Hinampas ko siya ng malakas sa hiya.

"Ano bang sinasabi mo ah!! Tigilan mo nga ako!!" pabebeng saad ko sa kanya na ikinatawa niya lang.

"Pero, Mae ko..." natigilan ako sa sinabi niya. Tiningnan ko siya at bigla siyang sumeryoso. Nakatingin lang siya sa kawalan.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Kung mabubuhay 'yong lalaking 'yon. 'Yung si Kazuya, sinong pipiliin mo sa aming dalawa?" nagulat ako sa tanong niya.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon