Chapter Six

45 2 0
                                    

Entering the Fiction World
T

hird Person's View

One week later...

Nagising si Maeco na ramdam ang malakas na tibok ng kanyang puso dahil sa kaba. Ngayong araw ay ang araw kung saan siya ang magiging test subject ng isang machine. Inaamin niyang hindi siya pinatulog ng pag-iisip niya sa maaaring mangyari. Natatakot siyang mamatay pero sabik rin siyang makita ang lalaking mahal niya–ang lalaking matagal niya ng inaasam na makita. Ang lalaking kanyang pinapangarap.

"*sigh* Kazuya, kapag naging matagumpay ang experimento at nakapunta ako sa mundo mo, pangako ko sa'yo na kahit 'di mo ako kilala ay papasayahin kita. Gusto kitang yakapin at kahit 'yun lang ay magiging masaya na ako. Miyuki, bebe ko... mahal na mahal kita" bulong ng dalaga habang ang mga mata ay may namumuo ng mga luha. Niyakap niyang muli ang litrato ng pinakaimportanteng tao–mali! Hindi totoong tao sa buhay niya.

Bumangon na siya at nagpunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis ng isang white long-sleeve at blue ribbon na pinartneran ng isang palda na nagmumukang pang-eskwelahan. Inisip na niya ang posibilidad. 'Pag namatay siya, isa pa rin siyang disenteng babae sa paningin ng makakakita sa libing niya. 'Pag nabuhay siya at matagumpay na nakapasok sa mundo ng taong mahal niya, naisip niyang kailangan niyang makibagay at magmukang high schooler sa mundong 'yon. Bumuntong hininga muli siya atsaka lumabas ng kanyang silid. Simula nung malaman ng kanyang stepmother at stepsister ang maaaring mangyari sa kanya ay naging mabait ang mga ito sa kanya at mas kinumbinsi pa siyang ituloy ang balak niya.

"Oh, Maeco! Gising ka na pala. Balita ko ay ngayon ang pagsasagawa ng experimento sa iyo. Mabuti naman at maaga ka ngayon nagising. Pinaghanda kita ng almusal para maging malusog ka lalo sa alam mo na..." Hindi man halata ngunit nakita niya ang lihim na pagngiti ng kanyang stepmom. Plastic! Tsk! 'Yan lang ang tanging nasa isip niya noong mga sandaling 'yon.

"Salamat naman po. Sana naman ay wala itong lason, ano?" sarkastiko ang kanyang pagkakasabi na mismong ina-inahan niya ay natigilan.

"Naku, ano ba sa tingin mo? S'yempre wala iyan noh!" pagngiti ng peke ang naiganti niya sa sinabi ng kanyang ina-inahan. Nagkwento pa ng kung ano ano ang kanyang stepmom pero hindi niya na ito pinakinggan at nagkunwari na lamang na nakikinig. Paminsan-minsan ay tumatango na lamang siya habang kumakain ng agahan. Nang matapos mag-agahan ay kaagad na siyang umalis at sumakay sa Hell-For-Leather train o mas kilala bilang HFLT. Pagkasakay na pagkasakay niya ay agad itong umandar ng napakabilis. Kaagad naman siyang nakarating sa Sakura Station na malapit sa TECH'S COMPANY. Agad siyang bumaba dala ang kaba sa mga maaaring mangyari.

This is it! You can do it, Maeco! Just trust Timothy! You can do it! Just see the future on how you would interact to Kazuya because you already did it! Go go go! Patuloy ang pagpapalakas niya sa kanyang loob. Sinasabi niya lagi na kaya niya 'yon... Na makakaya niya 'yon. Nagsimula na siyang maglakad at maya maya pa'y agad na nakarating sa TECH'S COMPANY. Isang malakas na buntong hininga ang muli niyang pinakawalan habang papasok sa building. Ini-scan muna ang kanyang identity bago tuluyang papasukin. Mabilis ang kanyang paghakbang. Dala na siguro ito ng kanyang kaba ngunit palagi niyang pinapakalma ang kanyang sarili.

You can do it! You'll survive! Relax! You can do it! Don't worry! Paulit-ulit niya itong sinasambit sa kanyang sarili upang magawa niya kahit papanong magrelax. Sumakay na siya ng elevator at she just mouthed the floor number and it suddenly works. Habang nasa elevator ay 'di maitatanggi ang kanyang kaba. Halos tumalon ang puso niya sa kaba ng biglang bumukas ang elevator.

"Hey! You look nervous!" She suddenly jumps when she hear a voice. She looked up and saw Timothy standing in front of her while laughing. She automatically arched her eyebrow when she saw that Timothy's face.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon