The Wedding
Third Person's POV
Ang mga singsing ay nakahanda na. Ang bouquet ay nakapatong sa isang lamesa. Naghahanda na ang ikakasal. Magkahiwalay ang bride at groom. Naghahanda na rin ang mga abay. Pati ang sasakyan ay nakahanda na at hinihintay na lamang ang pagsakay ng panauhin nito.
"Wow. You look so gorgeous bessy!!" nagtitiling puri ng isang babaeng buntis na nakasuot ng isang violet gown. Violet ang theme ng kasal. Ito raw kasi ang paboritong kulay ng bride.
"Thank you bessy" pagpapasalamat ng bride na kinakabahan sa mga mangyayari.
"Don't get too nervous, hija. It would be wonderful" pagkompronta ng kanyang ina-inahan. Tinanguan niya ang mga ito at pinilit na ngumiti. Nakasuot siya ng isang kulay puting gown at may kulay puting belong nakatakip sa kanya. Suot suot niya rin ang kwintas na ruby'ng iniregalo sa kanya ng mapapang-asawa. Ilang buwan nila itong pinaghandaan. Masaya siya na kinakabahan. Gano'n rin ang nararamdaman ng groom. Masaya ito dahil sa wakas ay magiging mag-asawa na sila ng babaeng mahal niya. Nauna na ang groom na pumunta sa kasal ganun rin ang ibang mga bisita. Nakapila na sila para sa pagmartsa. Wala na siyang ama at ina na aalalay sa kanya dahil namatay ang mga ito pero kasama niya ngayon ang kanyang tito na matagal na nag-alaga sa kanya. Maingay dahil sa mga bulong ng katuwaan. Nagbabatian ang isa't isa. Nag-umpisa na ang pagtugtog ng musika.
It took
One lookAnd forever lay out in front of me
Pinili nila ang theme song nila. Nagsimula ang paglakad. Naghagis ang mga flower girls ng mga sakura petals. Unti unti ang kanyang pag-abante. Unti unti ang kanyang paglapit sa altar na naghahatid sa kanya ng kasiyahan. Nakikita na niya ang mapapang-asawa niya. Nakikita na niya ang future nila. May dalawang anak at isang masayang pamilya. Nakarating siya sa altar at doon hinintay ang bride niya. Sinarado ang pinto upang maging pasabog ang pagpasok ng bride.
I take one step away
And I found myself coming back
To you my one and only
One and only youSakto sa chorus ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng kanyang bride na sobrang ganda sa paningin niya. Unti unti ang paglalakad nito kasama ang kanyang ama. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Sobra ang saya niya.
Now I know
That I've known not a thing at all
Except the fact that I'm yours
And that you are mineI take one step away
And I found myself coming back
To you my one and only
One and only homeHabang abala ang lahat at ang kanta sa simbahan ay nadidinig, sa fiction world naman ay...
Kazuya Miyuki's POV
"Hey" bati ko sa mga kaborders kong kauuwi lang. Ngumiti naman sila sa'kin pabalik.
"Ahmm. Miyuki, sa'yo ba 'to? Nakita kasi namin sa ilalim ng kama mo nung naglilinis kami" tanong nila sa'kin sabay abot sa'kin ng isang bagay na nakabalot at may sulat sa ibabaw. Tinanggap ko naman ito atsaka sinuri.
"Naku. Hindi naman sa'kin 'to eh" pagtanggi ko.
"Naku, mali ka d'yan. Nakita namin 'yung sulat at may nakasulat doong 'to Kazuya'. Ikaw naman 'yon di'ba?" pagpilit nila. Tumawa na lang ako.
BINABASA MO ANG
I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]
Fanfiction[TAGLISH] This story is about a girl who used to be a fan girl especially Anime. What if she can enter the world of her love ---an anime character named Miyuki Kazuya? What if she's given a chance to meet him? Do you want to take the risk and go loo...