No One Will Love You
Maeco Tachibana's POV
Kaagad na akong bumalik sa mga kasamahan kong managers. Maggagabi na rin ng malapit nang matapos ang team na magtraining.
"Maeco, maghahanda na tayo ng pagkain nila" tawag sa akin ni Ate Takako. Patakbo akong lumapit sa kanya.
"Opo, Ate Takako" magalang kong sagot. Pumunta na kami sa kitchen para magluto.
"Ate Takako, ano po bang lulutuin natin ngayon?" tanong ko.
"Ahmmmm, ano ba sa tingin niyo ang maganda?" parang 'di ako makapaniwala na hindi pa pala niya alam ang lulutuin. Ano ba 'yan?
"Kung onigiri kaya?" pagsasuggest ni Ate Yui.
"Tama! Magandang ideya 'yon, Señior Yui!" pasang-ayon ni Haruno.
"O sige, onigiri na lang!" pagdedeklara ni Ate Takako. Pagkatapos nun ay gumawa na nga kami ng onigiri. Ginawa ko ang special onigiri namin ng Lola ko. Masarap 'yon kaya tiyak akong magugustuhan 'yon ni Kazuya. Ayyyt. Magugustuhan 'yon ng lahat pala.
"Maeco, ano 'yang ginagawa mo?" tanong ni Haruno.
"Ah... Eh... Special onigiri namin ng Lola ko. Tinuruan niya akong gumawa nito nung bata pa ako at nagbabakasyon sa kanila" paliwanag ko.
"Okay. Mukhang masarap. Patikim ako mamaya ah" anang niya. Tumawa na lang ako sa kanya bago tumugon
"Okay. Mamaya" sagot ko at nagpatuloy na sa paggawa ng onigiri. Maya maya pa'y nakatapos na rin kami kung kaya't pumunta na kami sa field para ibigay ang mga pagkaing dala namin. Nilagyan ko ng disenyong mukha ang onigiri ko para mas lalong maging special. Hihihi.
"Oh, heto! Mga onigiri. Kami mismo ang gumawa niyan. Sana magustuhan niyo" pagtawag-atensyon ni Ate Takako. Agad namang nagsilapitan ang lahat.
"Uy! Ang cute naman ng mga onigiring gawa mo, Maeco!" puri ni Kuramochi. Nahihiya akong nagpasalamat sa kanya. Kumuha siya ng dalawa at pagkatapos ay kinain.
"Hmmm. Ang sarap. Bakit parang may kung ano dito?" turan niya habang ninanamnam ang onigiri.
"Ahmmm, ano kasi. Special 'yan. Natutunan ko ang paggawa niyan sa Lola ko. Masustanya 'yan lalong lalo na at mga baseball player kayo. May kaunting tamis din 'yan dahil sa special na sangkap na nilagay ko" paliwanag ko.
"Wow! Ang sarap naman neto" puri niya na naging dahilan para magsilapitan sa dala kong onigiri ang lahat. Kumuha sila ng tig-iisa at kumain. Katulad ni Kuramochi ay pinuri rin nila ang gawa ko. Bago pa maubusan si Kazuya ay kaagad ko na siyang pinuntahan. Nakatayo lang ito at umiinom ng tubig kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Otto!" masayang tawag ko sa kanya. Kaagad naman siyang lumingon kaya't binigyan ko siya ng isang napakatamis na mga ngiti.
"Bakit?" tanong niya.
"Gusto mo ba ng onigiri? Ako naggawa nito. Tikman mo naman" saad ko. Tiningnan niya ang onigiring dala ko bago kumuha ng isa at kumagat. Para bang hinuhusgahan niya ang gawa ko sa bawat nguya niya. Nagulat ako ng idura niya ito sa lupa at ibinalik ang onigiring kinagatan niya sa tray na dala ko.
"Ayoko. Hindi ko nagustuhan" nagulat ako sa sinabi niya. Natulala ako ng mga ilang sandali. Umalis ito at kumuha ng ibang onigiri sa kasamahan ko. Mukhang nasarapan siya sa onigiring gawa ng iba pero bakit hindi 'yung sa'kin? Kaagad akong nilapitan nina Sawamura.
![](https://img.wattpad.com/cover/176871715-288-k312841.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]
Fiksi Penggemar[TAGLISH] This story is about a girl who used to be a fan girl especially Anime. What if she can enter the world of her love ---an anime character named Miyuki Kazuya? What if she's given a chance to meet him? Do you want to take the risk and go loo...