Chapter Twenty-four

25 3 0
                                    

Will you be
M

aeco Tachibana's POV

Ilang buwan na rin ang nakalilipas. Unti unti na akong nakakapaglet-go. Salamat kay Timothy. Halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko. Ano ba 'yan? Hating gabi na eh.

"A new caller is calling... Miss Aiko" saad ng cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot.

"Besh, si Timothy!!!" takot na sagot niya sa kabilang linya.

"Huh? Bakit? Anong nangyari kay Timothy?" nag-aalalang tanong ko.

"Besh, calm yourself down. Okay?" paalala niya na hindi talaga umepekto sa akin.

"Just tell me. What happened to Timothy?!" kinabahang tanong ko.

"A plane going to Europe crashed and he's in there!!" halos magunaw ang mundo ko sa nalaman ko. Ano?! Isa na naman ba itong biro? 'Wag naman please. 'Wag niyo 'tong gawin sa'kin.

"Anong nangyari sa kanya?" natetense na tanong ko. Garalgal na ang boses ko dahil nagbabadya na ang pag-iyak ko. Nung una si Kazuya ang nawala sa'kin tapos ngayon, si Timothy naman?! Hindi ako papayag.

"Calm down. May news report na may mga nairescue at nailigtas. Sumama ka sa'min at pupuntahan namin ang hospital na pinagdalhan sa survivors" paliwanag niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Sana naman ay kasama do'n si Timothy. Please Lord? Guide him. Don't take him away from me.

"Sige. Papunta na 'ko" sagot ko atsaka nagmadaling kumuha ng jacket.

"Sige, magkita tayo sa ***********. Sabay na tayong pupunta sa hospital" saad niya at pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag. Sinuot ko ang jacket ko at nagpandalas na lumabas. Wala akong pakialam kahit nakapantulog pa ako.

Kailangan kong makita si Timothy. Kailangan kong malaman kung okay lang siya. Agad akong pumara ng F-car at sumakay. Bawat segundong lumilipas ay ang kaba at panata na sana okay lang si Timothy. Bumaba ako sa pagkikitaan namin ni Aiko. Nakita ko naman agad siya. Sumakay ako sa F-car niya. Pinaandar niya agad ang makina.

"Okay lang 'yan. I know Timothy will be fine" pagpapahinahon sa'kin ni Aiko. Nginitian ko na lang siya ng mapait dahil hindi ko talaga kayang huminahon ngayon. Bawat minutong nasasayang ay ang kabang baka hindi ko na siya makita. Ang kabang baka iwan niya akong mag-isa at malungkot.

"Malayo pa ba?" naiinip na tanong ko dahil kanina pa kaming bumabiyahe. Kinabahan ako nang ngumiti si Aiko. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Chill. Malapit na tayo" sagot niya pero hindi talaga ako mapakali. Nang huminto kami ay agad akong bumaba. Nangunot ang noo ko sa nakita ko. Isang building na hindi mukhang hospital.

"Bakit parang hindi 'to hospital?" nagtatakang tanong ko kay Aiko pero nagulat ako ng may tumakip sa mata kong panyo.

"Trust me, Bessy" tanging saad ni Aiko.

"Aiko, hindi ito ang tamang oras para magbiro. Tama na nga 'yan" singhal ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya.

"HAHAHA. Trust me. Now, walk" utos niya. Sinunod ko naman agad ang sinabi niya.

"Aiko, bakit kailangang nakablind fold pa ako?" tanong ko.

"Bessy, I don't want you to see those dead body and those people who were in critical condition. They're awfully bad" kinilabutan ako sa sinabi niya. Kung sabagay, ayoko talaga sa mga hospital dahil nakikita ko ang mga taong naghihinalo, duguan, at namamatay.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon