The Job Offer
Maeco Tachibana's POV"I want you to be my..." ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba habang nakikinig.
"I want you to be my test subject for my–" hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin niya at agad itong pinutol nang maulinagan ang kaniyang nais ipahiwatig.
"Ayoko" malamig kong pagtanggi rito.
Para ko na ring ininsulto ang Mama ko kung papayag akong maging isang test subject. Para ko na ring sinapit ang sinapit ni Mama noon at ayaw kong mangyari 'yon dahil gusto ko munang patunayan sa aking Papa na kaya kong mabuhay kahit wala ang tulong niya.
"But–"
"Ang sabi ko AYOKO" idiniin ko ang salitang ayoko bilang pagpapahayag ng aking pagtanggi.
"That's your choice. I know your past, Miss Tachibana. I know that you hated your father after what happened. But it's part of the experiment. Besides your mother approved with that condition, right? Trust me, this invention will be a great contribution in the world if I succeeded. May mga proven na test na kami. Nung una ay hindi ito naging successful pero matapos ang ilang pagbabago at pagtetest sa mga buhay na test subject katulad ng hayop, naging successful siya. We just need to test it in humans. And I think you're the right person for this kind of job" pormal at professional niyang pagpapaliwanag.
Napaangat lalo ang aking kilay sa mga narinig ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa galit. Talaga bang iniinsulto niya ako? Hindi ba siya makaintindi ng salitang "ayaw?"
"Anong sinasabi mo?! Paano mo nalaman ang buhay ko?" takang pagtatanong ko. Bago pa man siya makapagsalita ay agaran ko ring nahanap ang kasagutan sa sarili kong katanungan.
"Ayyt. Oo nga pala! Sa'yo at sa kumpanya mo nagtatrabaho ang magaling kong ama. Kung tutuusin kayo ang pumatay sa nanay ko. I'm just a kid. How can you take the feeling that a ten-year old girl losts and saw her mother dying in pain just because of that fucking experiment for that fucking invention?" umuusok ang ilong ko sa galit habang isinusumbat lahat sa lalaking kaharap ko ngayon. Napaangat ang gilid ng aking labi at napatawa ng may halong sarkasmo.
"Kung sabagay wala naman kayong pakialam kasi nga mga test subject lang sila at kapag nagtagumpay na kayo, limot n'yo na sila–ang mga taong nagpakapasakit para lang magtagumpay ang imbensyon niyo. Sorry to say Mister TECH but I'm not willing to get this job and work for a killer" galit at prankang pananapos ko. Napuno na talaga ako ng galit matapos ang mga masasalimuot na nangyari...
*FLASHBACK*
"Mommy, taan po tayo pupunta?" masaya ngunit may kaunting pagtatakong usisa kay Mama. [Mommy, saan po tayo pupunta?]
Ang ganda ng mama ko! Naibulong ko sa isip isip ko dahil sa taglay niyang ganda na pinalitaw pa ng kasimplehan ng suot niya.
"Anak, mamamasyal tayo ngayon sa zoo. Hindi ba gusto mo do'n?" nakangiting tugon naman ni Mama na ikinatango ko sa saya at excitement.
"Mama, 'di po ba natin katama ti Papa?" pagtatanong kong muli noon kay Mama. Nakakapagtaka kasi na hindi namin kasama ngayon si Papa. [Mama, 'di po ba natin kasama si Papa?]
"Hindi anak. Busy kasi si daddy sa mga inventions niya eh. Kailangan niya 'yun sa work niya" nakangiting paliwanag sa akin ni Mama.
Nakarating kami sa isang zoo at maraming hayop doon. Nakakita kami ng mga elepante, leon, tigre at marami pang iba. Sobrang saya ko noon. Matapos naming mamasyal ay kumain pa kami sa isang sosyaling restaurant. At hindi matutumbasan ang aming kasiyahang nararamdaman nang makauwi kami ni Mama.
"Anak, tulog ka na ha! Bawal magpuyat" paalala ni Mama bago ako pinatulog.
***
Nagising ako dahil may narinig akong ingay na nagmumula sa labas ng aking silid. Lumabas ako ng aking kwarto at pumunta sa kwarto ni Mama upang alamin ang tunog na iyon.
"Hello?" rinig kong tinig ni Mama. Agad na nagsalubong ang aking kilay sa pagtataka.
May kausap si Mama sa telepono niya. Sino kaya iyon? Bakit ganitong oras na tumawag?
"Mahal, pumapayag na akong maging test subject niyo para sa experiment niyo" pagkatapos sabihin ni Mama 'yon ay bigla siyang umiyak.
Bakit kaya umiiyak ang Mama ko? Teka, si Papa ba ang kausap niya?
"Mama" pagtawag ko sa kanya at tatakbong lumapit dito dahil sa pag-aalalang nararamdaman ko. Agad na pinunasan ni Mama ang luha niya at kaagad rin akong kumandong sa kanya upang komprontahin siya.
"Mama, bakit ka umiiyak? Tino away tayo? " inosenteng tanong ko kay Mama. [Sino away sayo].
Niyakap ako ni Mama ng mahigpit na mas lalong nagdulot ng konfusiyon sa akin. Nakakapagtaka naman. Bakit kaya?
"Wala anak. Wala. Maeco, anak..." may assurance na pagsagot niya kahiy na may bahid ito ng kalungkutan.
"Bakit po, Mama?" tanong kong muli, umaasang makakakuha ng kasagutan sa mga tanong na naglalaro sa aking isip.
"Pangako mo kay Mommy aalagaan mo si Daddy at ang sarili mo 'pag nawala na ako ah" ramdam ko ang lungkot kay Mama noon.
Bakit kaya sa akin sinasabi ito ni Mama? Ano kayang gusto niyang iparating doon? Mas lalong nadagdagan ang aking katanungan.
"Bakit po, Mama? Taan po kayo pupunta? Aalit po kayo?" sunod sunod na pagtatanong ko. [Bakit po, Mama? Saan po kayo pupunta? Aalis po kayo?]
"Basta anak! Maiintindihan mo rin 'yon kapag malaki ka na" paliwanag ni Mama sa'kin.
Tumango na lang ako at ngumiti sa kaniya. Hinihiling na sana ay lumaki na kaagad ako. Hindi ko talaga maintindihan ngayon kaya napapatanong din ako kung kailan ba ako lalaki para maintindihan ko na rin. Ang totoo ay wala akong maintindihan pero kapag sinabi ni Mama na maiintindihan ko rin iyon paglaki ko ay naniniwala ako.
"Mama, magpapalaki agad ako para ta'yo" pagmamalaki ko. [Mama, magpapalaki agad ako para sayo]. Ngumiti sa'king pabalik si Mama na ikinangiti ko rin.
"O sige. Sabi mo 'yan ah. Dapat 'di ka na bulol sa 's' kapag malaki ka na ah" pang-aasar pang tugon ni Mama.
"Mama! Hmmp"
*END OF FLASHBACK*
"First of all Miss Tachibana, hindi pa ako ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ng tatay mo. It's my dad and i'll admit that he's too selfish. He only cares on himself and on his company. Also he's too rude so I'm not going to be surprised if he blackmailed your father just to be this successful. But please, trust me. I'm different from him. I have my new laws that protect and give benefits to all my workers. I'm not a stone-hearted person so I'm giving you a week to decide. If your decision is final, call me" saad niya at sabay bigay ng isang calling card na nakasulat ang lahat ng maaari kong tawagan.
"Sige. I'm going to consider this but don't expect too much. If you really know my past then you should also know that this kind of situation is hard for me" may kaunting inis kong pagkonsidera sa kaniyang alok na kasunduan. Ikinonsider ko ang sinabi niya na baka nablackmail lang noon si Papa kaya niya iyon ginawa.
"I know but I'm looking forward on you here" nakangiti pero pormal pa rin niyang sabi.
"Butler ver. 2.8. Please take Miss Tachibana home. Goodbye, Miss Maeco" nawala ang pormalidad niya nang maggoodbye siya. Ngumiti rin siya sa'kin na parang nakakapagtaka dahil sa katamisan nito. Weird.
"Okay-Sir" sagot ng robot dito.
"This-way-ma'am" pag-alalay sa akin ng butler niyang robot.
"Uhmmm. Mister TECH? Thank you and goodbye at the same time" pagpapasalamat ko bago tuluyan ng lumabas ng kwartong 'yon.
To be continued...
A.N. I hope you like it. It's not that good but i hope you still support, vote and comment. Thankie.
BINABASA MO ANG
I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]
Fanfic[TAGLISH] This story is about a girl who used to be a fan girl especially Anime. What if she can enter the world of her love ---an anime character named Miyuki Kazuya? What if she's given a chance to meet him? Do you want to take the risk and go loo...