PROLOGUE

329 12 5
                                    

DISCLAIMER: I just want to thank all the links behind the pictures and music I have used in this story. All the links behind, thank you. You are all creditable. I want to say that I don't own any of those pictures and music. Thank you for understanding.

GOODBYE
Miyuki Kazuya


Masaya akong naglalakad papuntang field nang makarinig ako ng isang boses na tumatawag sa aking pangalan.

"Miyuki!"

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na ito. Doo'y nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan. Diretsong paglingon ko ay agad itong kumaway ng mahina. Si Senior Chris...

Kahit na maganda ang pagkakabati nitong kaway ay napansin ko agad ang black aura na nakapaligid dito. Ano kayang kailangan niya sa akin? At bakit mukhang wala 'ata siya ngayon sa timpla? Haha!

Huminto ako sa paglalakad upang hintayin siya at nang makarating ito ay agad ko siyang sinalubong ng isang masayang bati.

"Senior Chris!" nakangiting pagbati ko rito. 

"Miyuki... " napalunok ako nang mariin sa panimulang bati nito. At ang mas nakakatakot pa'y mas lumawak pa lalo ang black aura na nakapaligid dito. HAHAHA. Pero 'yung totoo? Medyo napalawak yata ang ngiti ko dahil doon.

"Oh? bakit, Chris?" lakas-loob kong tanong.

"Ikaw... Bakit ka gan'yan? Nadisappoint ako sa'yo" pailing-iling nitong tugon na ikinataka ko naman. Anong ibig niyang iparating doon?

"Ano bang sinasabi mo? " takang pag-uusisa ko. Ngayon ko lang siya hindi mabasa. And it was somewhat weird?

"Bakit sabi ni Tetsu pinaiyak mo raw si Maeco?" agad na napakunot ang aking noo sa pagtataka dahil sa mga sinabi at ikinilos nito.

Parang 'di ko na siya nakilala. Parang hindi na siya ang mabait na si Chris kung kumilos.

At teka—anong sinasabi niya? PINAIYAK KO SI MAECO? HAHAHA. Nagbibiro ba siya?

"Chris, ano bang sinasabi mo? " tanong kong muli upang maliwanagan. Mas lalo akong nilamon ng pagtataka nang malalim itong bumuntong hininga.

"Nakita ko rin si Maeco na umiiyak sa basement. Umiiyak siya at kita sa mukha niya ang lungkot. Sobrang kalungkutan..." para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking mga narinig.

Hindi ko yata kayang tumawa ngayon.

Sobrang kalungkutan...

Sobrang kalungkutan...

Paulit-ulit na nag-eeho ang mga katagang yaon sa aking isip. Bakit siya malungkot? Dahil ba doon? Pero... may pagkakamali ito. Hindi ito kagaya ng kaniyang iniisip... hindi ba?

"At isa pa. Miski ako, paulit-ulit kong naririnig na binabanggit niya ang pangalan mo" awtomatiko akong napaangat ng tingin at sinalubong ang kaniyang mga mata upang kumpirmahin ang aking narinig. Doon ko nakita ang paggalaw ng panga nito hudyat ng patitimpi.

Ibinalik niya ako sa katinuan ngunit wala akong masabi o maisagot man lamang na biro rito. I'm speechless. Ako ang dahilan? Unti-unti na akong nagkakaideya.

"Paano? Ano pang alam mo? Sabihin mo sa'kin" malamig kong tugon. Gusto kong malaman ang katotohanan. Bakit umiiyak si Maeco? Hindi kaya iyon nga iyon?

"Sa palagay ko, hindi dapat ako ang magsabi noon sa'yo. Ba't hindi mo tanungin si Tetsu. Siya ang mas higit na nakakaalam ng bagay na 'to" paliwanag ni Chris bago muling bumuntong hininga. Marahan niya akong tinapik sa balikat at nginitian. Tama! Alam ko na ang dapat gawin.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon