Chapter Twenty-three

23 3 0
                                    

News
T

hird Person's POV

Abala ang isang lalaki habang inuutusan ang mga tauhan niyang hanapin ang pinakamagaling na animator na nabubuhay sa mundo.

"I said now!! Are you all deaf?!! Go and search for an animator now!" sigaw nito na halos maputol na ang ugat dahil sa galit.

Mga walang kwenta. Tsk. Saad niya sa kanyang sarili. Napahilot na lang siya ng kanyang sentido dahil dito.

"But Sir, wala na pong may gustong maging animator sa mundo natin ngayon lalo na po't sikat na ang pagiging imbentor" matapang na pagsagot ng isa niyang tauhan.

"It's not my problem anymore. I said go and look for an animator now. If they don't want to accept it then give them money!!" galit na sagot ng binata. Ang ginagawa niya ay para sa taong mahal niya. Gusto niyang maipadrawing ang kamukha nito sa isang animator at gumawa ng pelikula tungkol sa babaeng 'yon. Gusto niyang kahit ang replika lang ng taong mahal niya ang makasama ng taong mahal pa rin nito hanggang ngayon.

"Sir, siya po ay isang magaling na animator" biglang balita sa kanya ng isa niyang tauhan.

"Good. Now leave. We'll talk privately" utos niya na agad na sinunod ng tauhan niya.

"You think you can draw a woman?" agad niyang tanong sa taong kararating pa lang.

"I don't know. Let me see this woman" sagot ng animator. Ipinakita niya ang picture ng isang babae na nakangiti.

"She's Maeco Tachibana" saad niya sa animator. Tumango tango ang animator na tila ba sinusuri ito at pinag-aaralan.

"Can I see her in person?" diretsong tanong ng animator. Napakunot ang noo niya sa tanong nito sa kanya.

"Bakit pa? I already give you the picture" galit na sagot niya. Umiling iling ang kanyang kausap.

"Dr. TECH, pictures can't depict the reality" tanging paliwanag sa kanya nito na nagpatigil sa kanya. Wala siyang magawa kundi sumunod rito.

"Okay. I'll get her. Wait for us here" utos niya atsaka umalis. Agad niyang pinaharurot ang kanyang private F-car. Mabilis na nakarating naman siya sa kanyang destinasyon. Nakita niya ang babaeng sumisimsim ng kape sa pag-aaring coffee shop.

"Hey" pagtawag niya rito. Nilingon naman kaagad siya ng babae na nagtataka kung bakit naroroon ang lalake.

"Oh, Timothy? Anong ginagawa mo dito?" salubong na tanong sa kanya ng dalaga.

"Can you go out with me?" tanong niya. Nag-isip ang dalaga.

"Pero 'yung shop ko kasi eh–" pinutol niya agad ang sasabihin ng dalaga at nagsalita.

"Please?" pakiusap niya sa dalaga na naging dahilan upang mapaisip ang babae.

Maeco Tachibana's POV

Hay naku. Pa'no ba 'to?

Papasukin mo ang mga tao sa puso mo...

Bumuntong hininga na lang ako bago sumagot.

"Okay" pagkasabi ko no'n ay agad siyang ngumiti at biglang hinatak ako papunta sa F-car niya. Sumakay naman agad kami.

"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya.

"Basta. Trust me" tanging sagot niya at pinaharurot ang sasakyan. Nakarating kami sa kumpanya niya.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko pero hinawakan niya lamang ang kamay ko.

"You're going to be a model" napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ano bang sinasabi mo?" singhal ko sa kanya.

"Basta. Trust me, Mae ko" saad niya bago ako kinindatan. Napairap na lang ako habang hinahatak niya ako papasok. Pumasok kami sa isang silid kung saan nakita ko ang isang lalaking abala sa pagdodrawing.

"Hey, nandito na siya!" pagtawag ni Timothy dito. Agad naman itong lumingon at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Sobra ang panunuri niya. Ano bang nangyayari?

"I'll try to draw her" saad nito atsaka bumalik sa pagdodrawing. Tiningnan ko si Timothy na parang humihingi ng kanyang paliwanag.

"I'll tell you. Let's go outside" saad niya atsaka lumabas ng silid. Sinundan ko naman kaagad siya.

"So, what's happening Mister Timothy?" nakataas kilay kong tanong.

"Gusto kong gumawa ng replika mo. Isang anime character na magiging parte ng story ng anime na gusto mo. At do'n hindi mo na kailangan pang alalahanin ang lalaking 'yon. Mas magiging madali sa iyo ang maglet-go" nagulat ako sa paliwanag niya.

"Salamat Timothy pero hindi mo na kailangan pang gawin 'yon" pagtanggi ko pero tiningnan niya ako gamit ang mga matang tila nangungusap.

"Please let me do it" pakiusap niya sa akin. Tumango na lang ako.

"Bahala ka" tanging naisagot ko.

"Thank you" bulong niya atsaka niyakap ako ng mahigpit. Bumalik kami sa loob at nakita namin ang nagkalat na papel sa sahig. Nakita ko ang mukha ko. Pinulot ko ang papel at pinakatitigan ito. Kamukhang kamukha ko 'to ah. Ang galing galing niya naman. Pero nung tiningnan ko 'yung nagdodrawing, inis na inis ito na para bang hindi makuntento sa drawing niya. Inilapag ko ang mga drawing niya sa table niya na naging dahilan para tingnan niya ako kung kaya't nginitian ko naman siya.

"Magaling kang magdrawing. Ang gaganda nito pero bakit nandito lang sa sahig?" pabiro kong tanong. Ibinalik niya ang tingin sa kanyang pagdodrawing.

"Mali lahat ng 'yan. Walang kwenta 'yan lahat. Hindi mo kamukha" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Eh kamukhang kamukha ko nga eh. 'Wag mong istress ng todo ang sarili mo. Ang galing galing mong magdrawing eh" puri ko sa mga drawing niya.

"Mali ka. Bawat drawing ay may emosyon. Bawat guhit ng iyong lapis ay ang paglabas ng pagkatao ng taong idinodrawing mo. At sa mga drawing ko sa'yo, kalungkutan lang ang nakikita ko. Hindi ko maidrawing ang totoong ikaw. Ang masayang ikaw na matagal nang nakatago sa kaibuturan ng puso mo" nagulat ako sa sagot niya. Humarap ito kay Timothy atsaka nagbow.

"Sorry pero hindi ko po 'to kayang gawin, Sir" paghingi niya ng pasensya. Tinapik ko ang balikat niya na naging dahilan para tingnan niya ako kung kaya't nginitian ko siyang muli.

"Okay lang kung ayaw mo. 'Wag mo nang gawin kasi ayaw ko rin namang gawin ang bagay na ito. Ang isang tao hindi basta bastang nakokopya. Kasi unique ang bawat tao. Salamat sa kakaibang pananaw mo. Iginagalang kita" masayang saad ko sa kanya. Napansin ko ang pagpatak ng mga luha niya.

"Salamat po" saad niya at umalis. Nakatingin lang sa'kin si Timothy kaya nginitian ko siya.

"'Wag mo na kasing gawin ito, Timothy. Hindi mo na ito kailangang gawin. Okay na ako. Unti unti na akong nakakapaglet-go" saad ko sa kanya bago hinaplos ang kanyang mga pisngi.

"Smile" utos ko sa kanya. Unti unting gumuhit ang ngiti sa labi niya bago ako niyakap ng mahigpit.

"Thank you. Ikaw talaga ang Maeco na nagustuhan ko. Mahal kita, Mae ko" saad niya na ikinatawa ko na lang. Tama si Papa, hindi ko kailangang kalimutan si Kazuya dahil habambuhay siyang mananatali sa puso ko. Ang kailangan ko lang gawin ay ang tanggapin siya–si Timothy, ang taong gustong pumasok sa puso ko.

To be continued...

A.N. Hayssst. Guys bakit parang happy ending na? Opppsss. Meron pa uy!! Abangan. Thank you for reading.

Please Vote, Comment, and Recommend this story. Thank you po. (。’▽’。)♡

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon