"Kamusta"

1 1 0
                                    

"Kamusta"


Nagtatanong "Kamusta ka na?"
Kinakamusta ang buhay na ibaon mo sa wala
Wari mukha ko ay limot mo na ba?
Pagkat tayo ay hindi tinadhana
Saksi ang langit, buwan, at mga tala
Pagsisikap at pagsasakripisyo na aking dala
Pangakong ipinako't kinalimutan at nawala
Tinatanong ko sa'yo kung "Nalimot mo na ba?"


Matagal nang panahon na lumipas
Sakit na nadama parang bagong hampas
Nanunuot at nagdudugong walang bawas
Sa pagkat sa pag-ibig nga nama'y minalas
Pusong nasawi akala ko naninigas
Mga pasa at sakit nanunuot kahit ito'y pinalipas
Bagkos ito ay bahagi ng proseso at likas
Na ako'y umibig lamang ng wagas


Plano ng maykapal o sadyang tadhana?
Sa simpleng pagkikita at pangangamusta
Mga alalang nalimot muling ipinakita
Sa paglipas ng panahon wari'y kinalimutan mo na
Mga panahong na ubod ng pagmamahal at saya
Pinalitan ng sakit at pagkakadapa
Bigat ng mundong pasan ng mawala ka
Wari'y tanggap na ikaw ay masaya na
Sa piling ng taong ika'y pinapasaya


08:10 P.M. 02/25/2019

Amateur WorksWhere stories live. Discover now