"Wag Nang Umasa"
Wag ka na lang umasa
Nagsasayang ng oras sa wala
Magmumukha ka lang tanga
Sa kakahintay at kakandarapa
Mga pangakong binitiwa'y nawalan ng bisa
Sapagkat hindi ikaw ang kanyang nakikita
Kanyang pusong may nanagmay-ari na
At sa ibang piling siya ay masaya
Kaya wag ka nang umasa
Sa pag-ibig ika'y nasaktan at nagpakatanga
Sa mga taong hindi lubos makaunawa
Sa iyong mga sugat na malalim at lubha
02/17/2019 6:34 P.M.
YOU ARE READING
Amateur Works
PoetryThese works are purely made from an amateur and aspiring poet. These were made straight from ideas and thoughts which are assembled into a fresh poem. I am clearly open to any critiques that can possibly make my works improve.