"Nakawtingin"

1 1 0
                                    

"Nakawtingin"


Hanggang nakawtingin nalang ako
Pinagmamasdan mga ngiti sa labi mo
Isang lihim na patingin aking tinatago
Nawawalan ng tapang kapag lalapit sa'yo


Hanggang nakawtingin nalang ba?
Pagkat puso ko'y hindi mo parin nakikita
Sadyang malabo ba talaga ang iyong mga mata
Pagmamahal ko sa iyo'y palagi kong pinapakita


Hanggang nakawtingin nalang parin ba?
Pangalan mo'y sinisigaw ng puso sinta
Nauutal at natatakot pag ika'y kaharap na
Kaya nga ba'y hanggang nakawtingin nalang ba?


02/10/2019 5:32 P.M.

Amateur WorksWhere stories live. Discover now