"Malumanay na Gabi"
Kay lamig nga ba naman ng gabi
Katulad na nangyari sa iyong mga ngiti
Tila'y nawawala sa iyong mga labi
Dahang dahan lumalayo sa aking tabi
Kay sakit naman kung iisipin
Mga pangakong kasingrami ng bituin
Sa dami nun tila ba'y nakalimot ka din
Mga pangakong umaasa pa rin
O kay sarap ng gabing malumanay
Pilit limutin ang pag-ibig mong hindi tunay
Upang ako na ay magpatuloy saking buhay,
Na hindi na kailan may malulumbay.
7:08 P.M. 02/11/2019
YOU ARE READING
Amateur Works
PoetryThese works are purely made from an amateur and aspiring poet. These were made straight from ideas and thoughts which are assembled into a fresh poem. I am clearly open to any critiques that can possibly make my works improve.