Kadiliman ang tanging kaibigan ko,
Siya ang laging kasa-kasama ko;
Hindi mawalay sa isa't-isa,
Tila kakambal sa t'wi-tuwina.
Ngunit isang araw nagulat ako,
Kadiliman, ikaw ay hanap ko;
Ang nagisnan ay isang Liwanag,
Na siyang yumakap sa pusong duwag.
Hanggang si Liwanag ay nawala,
Kadilima'y nagbalik sa tala;
Ako ay hinaplos na kay sarap,
Ang mawalay sa kanya'y kay saklap.
Liwanag muli'y nagpakita sa akin,
Kami'y naglakbay, nais maangkin;
Bumuo kami ng mga pangarap,
Siya na ang nasa aking hinaharap.
Ngunit tila sadyang pinaglalaruan,
Ang tadhanang aking pinangakuan;
Kung kailan masaya na ang puso ko,
Saka lilitaw ang pampalito.
Liwanag, Kadiliman, patawarin ako,
Ang pagpili sa inyo ay sadyang ayoko;
Pareho kayong mahalaga sa akin,
Sana intindihin ang puso kong sakim.
(I challenged my Bookworms Club members of a Nature's Day. I showed them a picture of nature and write a poem about it.
This poem talks about how career and love made me so confused in life. People say I don't have to choose, which is true, but it's just so difficult to balance.
I used 'Kadiliman' (Darkness) to represent my career in the Philippines and my only love 'Alvin' (he would know why...lol), and 'Liwanag' (Light) as career opportunities outside the Philippines .)
July 22, 2017 (6:24-6:56 PM)
Rm 407, PUP- GS
Still waiting for Dr. Jazul for MEC class
YOU ARE READING
A Profound Catharsis
PoetryI am going through such an emotional stress. No professionals involved yet, so I wouldn't know the severity of my mental state. Instead of slashing my own wrist or hanging myself in the ceiling, I decided to write poems. I have also started studyin...
