Mapait. Oo, mapait.
Matamis mang pakinggan ngunit ang pag-ibig ay sadyang mapait.
Isang bagay na malagkit ngunit ang bawat hagupit ay malupit.
Na kahit anong gawin mong kapit
Tila kaligayahan ay tunay na ipagkakait
Bagama't ang lubid ng pag-ibig ay kusang mapapatid
Hindi lahat ng lubid ay magkakasinghigpit
May lubid na marupok at sadyang pabago-bago ang himig
May lubid namang matibay, di gaya ng banig
Banig na pilit ipinagkakasya ang lahat
Banig na pinaghirapang hinabi ngunit hindi pa rin sasapat
Gayunpaman, ikaw ay tinanggap ko
Dahil ang lubid na hawak ko ay siya pa ring hawak mo
Buong puso't kaluluwa, ang pagsuyo mo ay niyakap ko
Lahat ng hinanakit at pasakit sa puso kong minsang naging marikit
Ay napawi ng mga ngiti mong ilang beses sa akin ay ipinagkait
Ipinagkait ng tadhanang tila ayaw pa ring pagtagpuin
Ipinagkait ng tadhanang tila may malalim na hinanakit sa akin
Nakapanghihilakbot ngunit sadyang nanunuot
Sa bawat pagpintig Ng aking mumunying puso
Tila bagyo Ang hatid Ng iyong pagsuyo
Bagyong Ang hatid ay malakas na ulan
Bagyong Ang kasama ay Ang kidlat sa kadiliman
Bagyong Ang tunog ay malakas na kulog na tila isang bangungot sa pares Ng tainga kong sadyang malungkot.
October 21, 2019
11:42 AM
I wanna show my students how easy it is to make a spoken word poetry since I was encouraging them to join that contest for the Founding Anniversary. I made this while they're taking their Science Exam.
YOU ARE READING
A Profound Catharsis
PoetryI am going through such an emotional stress. No professionals involved yet, so I wouldn't know the severity of my mental state. Instead of slashing my own wrist or hanging myself in the ceiling, I decided to write poems. I have also started studyin...
